P@tang/na! NANAKAW/NAWALA CELLPHONE KO!

Talk about things other than video games. What are your other hobbies? What's your favorite TV show? Are you into sports. Any recommended restaurants? Do you travel?
User avatar
iskolibur
Rapid Reload
Rapid Reload
Posts: 254
Joined: Mon Sep 07, 2009 2:00 pm
Contact:

cjcatalan wrote:kahit di po directly related sa thread ipost ko na rin po.

Baka new modus operandi ng mga loko ngayon. naexperience ko kanina sa recto station papunta lrt 1.

Bibili sana ako ng siomai dun biglang may tumitig sakin matandang lalake siguro mga 50's to 60's.

Inakbayan niya ako tapos sabi niya kamusta na daw daddy ko. nagtataka ako kasi 1st time ko palang siya nakita. "Kuya Ramon" daw name niya. Tinanong niya ako kung saan na ako ummuwi. So dahil surprised ako sinabi ko nalang sa manila, then tinanong niya kung saan na ako nagaaral, nagsabi ako ng school kahit di ko naman school hehe. After that sabi tinanong niya ako kung saan ako nagaaral, sinabi ko old school ko since malamang di niya alam kasi sa laguna.

Tapos ayun na nagkwento siya tungkol sa bungi niyang ngipin hanggang sa anak niyang ikakasal na habang kumakain ako ng siomai haha.

then sabi niya bibigyan daw niya daddy ko ng invitation sa wedding ng anak niya iabot ko nalang daw. kaya samahan ko daw siya sa place ng business niya sa labas lang daw ng lrt. hindi na ako sumama sa takot ko na baka loko lokong tao lang yun kaya umalis na ako.

kung hindi siguro ako umalis na holdap na ako or nakidnap hahaha wala na siguro mga gamit ko ngayon.

Still i'm not sure kung friend talaga siya ng daddy ko or ano pero masaya ako na hindi ako sumama.

so ayun warning lang sa community. :grin:
nangyari na rin sa akin ito nung college ako, ginagawa pa lang ata nun yung LRT2 at 5110 palang usong cellphone.
Naglalakad ako nun sa may Recto harap ng Isetan, yung maraming pagawaan ng invitation card. nagulat ako at bigla na lang may umakbay sa akin na dalawang lalaki sabay sabi ng bakit ginulpi mo kapatid ko, halika sumama ka sa amin.

Napansin siguro nila na wala sila makukuha sa akin mukha kasi akong pulubi nun, kaya ayun, sibat sila parehas at sabay sabi, kamukha ko lang daw yung nambugbog sa utol nya.

Kung sumama siguro ako nun, baka nagulpi nila ako dahil wala sila nakuha sa akin hahaha.
blank
User avatar
squall_leonhart
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 2810
Joined: Fri Aug 04, 2006 7:34 am
PSN ID: jcmarcy_15

^^ naganyan din ako dati, kamukha ko daw yung gumulpi sa kakilala nila. mga ungas ba sila, nung mga nakita akong jeep, bigla ko pinara para makaalis na hehe. langya muntik na ko nun :lol:
PSN ID: jcmarcy_15
Platinum Count: 21

Currently Playing: MGSV The Phantom Pain
User avatar
nikolaipoe
Ace Combat
Ace Combat
Posts: 367
Joined: Sun May 15, 2011 1:12 pm
PSN ID: nikolaipoe22 and martfrancisco04
Location: City of San Fernando Pampanga (ATTRITION)
Contact:

Ako nawalan ako ng cellphone ,grabe nagtext ako ng paulit ulit kahit sim nalang ibigay tumawag pa ako pero ayaw sagutin tapos hayzzz ayaw ng mag ring.Kung nalaglag ko yun at napulot nila at inangkin na nila nakaw parin yun kasi alam naman nila ang may ari.Grabe ang tagal na ng sim ko ang dami kong inedit sa mga profile ko.Kung siguro makapulot akong cellphone babalik ko ,experience ang sakit sa loob kasi very important yun sim. TY
PSN ID US (R1) : nikolaipoe22
PSN ID HK (R3) : martfrancisco04
XBOX ONE Gamertag : nikolaipoe22 (playing Titanfall / Battlefield 4 )
User avatar
parokyano
LeBronista
Posts: 13937
Joined: Thu Jan 12, 2006 1:11 pm
PSN ID: LeBronista

BABALA SA MGA SUMASAKAY NG MRT
MODUS OPERANDI SA MRT.

Last week (January 11, 2012), nadukutan ako ng phone sa MRT Boni Station. My phone was inside my bag and that time ginagamit ko phone ko as music player. Suddenly I noticed na nawala yung sound. I immediately checked on it and saw that my bag was already opened. I took notice of the hand na may hawak pa ng phone ko. I screamed and asked for help trying na habulin yung kamay until nawala na ito sa aking view dahil sa mga taong papalabas at papasok ng tren. Some guys na nasa gitna ng coach ng MRT near sa door ay may itinuturong guy na lumabas daw at kita nila na yun ang kumuha. Dahil sa tiwala, lumabas ako ng MRT para try na habulin yung sinasabi nilang guy. I asked for help from the security ng MRT pero to my dismay hindi ako tinulungan ng guard on duty. Tumayo lang siya sa harap ko and pinanood habang nagsisisigaw ako na may magnanakaw and paki-try na iinspect yung mga lumalabas na tao. I tried to get back sa loob ng coach ng MRT kung saan ako lumabas kaso pilit na tumuturo sa labas yung mga tao sa loob na malapit sa pinto na habulin ko daw kasi nakita nila na lumabas yung magnanakaw. So clueless of what might happen, nagpasama na lang ako sa security guard para mag-report sa mga police na naka-assign sa Boni station. I don’t know why pa ako sumama sa taas kung alam ko naman na wala na sila magagawa. Sa loob-loob ko, kanina pa nakaaalis ng station yung mandurukot. So good bye phone :'(

Kanina (January 17, 2012), 2:15 PM, same station may nadukutan na guy. Actually, tinuturo niya yung isang lalaki kanina sa loob ng coach na nakasuot ng sunglasses at inaakusahaan na dinukutan siya. Just like me, nagsisisigaw yung guy na nadukutan. Since na-“caught in the act” niya na dinukutan siya nung lalaki, malaki ang chance na maibalik sa kanya yung phone. Pero- HINDI nangyari yun.

Una, tulad ng nangyari sakin, tumayo lang yung guard sa MRT at hindi nagkaroon ng further investigation. He should have asked the train operator na patigilin sandali yung biyahe, pero wala- tumunganga lang siya dun habang nagpapaliwanag yung victim kung ano nangyari. Pangalawa,nandito na naman itong mga pasahero na tumuturo na nakita daw nilang lumabas yung nandukot at hindi daw yung nakasunglasses. Sa katunayan ilan pa dito ang tila pinagtatawanan yung nanakawang guy at sinasabing "...eh ang dami naka-shades dito, wala dito nagnakaw. ayun lumabas..." WTF?? As in ganun sila ka-vigilant to take notice kung sino nandukot at san ito nagpunta? Kung nakita nila, they could have declared nung nasa loob ng coach pa lang na may nandudukot na sa loob.

In the end hindi rin nakuha yung mobile phone nung guy. Nagsara yung train at patuloy sa biyahe. Sa loob, halatang nagtitinginan, nagsesenyasan, at nagbubulungan yung certain group of guys (isa na dun yung tinuturong suspect na kumuha ng phone). Pagdating ng Buendia Station ay sabay sabay silang bumaba and I heard yung isa na ngingiti-ngiti pang nagsabi ng “…baba na tayo. Wala naman sila magagawa…”

Naging malinaw sa akin na ganito ang modus operandi nila: isa sa grupo ang mandudukot/magnanakaw ng phone/gadget. Kung hindi napansin ng biktima- e di mission accomplished! Pero oras na mahuli o makaramdam ang biktima ay ituturo ng mga kasabwat/accomplice na lumabas yung magnanakaw para ma-divert ang attention ng biktima ganun din ng iba pang pasahero. Dahil sa taranta ng biktima aakalain nito na lumabas nga ang mandurukot. At hindi mapapansin na nasa loob talaga ang nagnakaw ng gadget niya. PERO hindi lang ito ang style/techniques nila. Madami pa. (e.g. https://www.facebook.com/reverlindi/posts/2645816258028)

CONSTANT VIGILANCE: So the next time you ride the MRT, make sure na alerto kayo. If may bag kayong dala, better if nasa harap niyo para visible sa inyo. Ang mga valuables (e.g. mobile phone, wallet, player) ay ilagay kung san hindi ito madaling makukuha (e.g. sa pagitan ng mga gamit sa loob ng bag or side pocket/s ng pants). Hangga’t hindi nahuhuli ang gang or grupo ng mandurukot, patuloy nilang maisasagawa ang kanilang modus operandi sa MRT.

At para naman sa MRT Authority, please be responsive on these kind of incidences. Alam po namin na responsibility ng pasahero ang sarili nilang mga dalang gamit. However, hindi naman po yata tama na sa loob mismo ng MRT ay may nagaganap na nakawan . Sana ay magkaroon ng further investigations para mapanagot ang m
REPOST from a member of a FB group: Jigs Tenorio

REPOST: Part 1 ...BEWARE!! MODUS SA MRT. . . .Nakita ko kung pano nakawan ng grUPO NG ng mga lalaki ang magboyfriend sa loob mismo ng MRT..Time: 2:45pm/ jan04,2012....nakaupo ako knna. sa mrt ng mapnsing kong may sumakay bndang BOni na maraming lalaki. pero naghiwahwaly sila ng pwesto. ntutulog TEXT SPEAK VIOLATION katabi kong lesbian at tulog din TEXT SPEAK VIOLATION katbi nyang bbae. maya2x u...ng isa sa mga magnanakw sumiksik sa tabi ng tomboy... ang likot nung LALAKING PANAY ACNE ang mukha.. nyakap ko agad TEXT SPEAK VIOLATION BAG ko at tnago cp ko.. napakiramdaman ko agad na magnanakaw sila. bandang santolan may isa pang llaki na gling sa kanang side ko ang dumating. anka FUBU NA POLO pa TEXT SPEAK VIOLATION G*GO!. sumenyas sya dun sa nka upo at ang target palanila ay yung MAG BOYFRIEND na nakapustura ng maganda at may iPhone.. tumayo si acne.. si FUBU pumwesto sa likod ng target.. pgdating ng cubao. dumami sila. may 3 LALAKI NA GUMIITGIT SA LIKOD NG TARGET HABANG SI FUBU DINUDUKOT NA TEXT SPEAK VIOLATION IPHONE SA BULSA.. AUN. NAKUHA!!! di alam ng target na nkuha na iphone nya. pero nkita ko na habng plabas sya ng train knkapa n nya TEXT SPEAK VIOLATION bulsa nya. pagsara ng pinto balik na lahat sila sa pwesto ulit..nkita ata ng isa sa knila na nkita ko TEXT SPEAK VIOLATION gnwa nila. tnabihan ako, sabi sakin" MADAMI YAN" sagot ko TEXT SPEAK VIOLATION. "ALAM KO!! DIBA KASAMA KA NGA NILA" sa inis nya hinagis nya TEXT SPEAK VIOLATION dala nyang bag sa lalaking nkaupo din sa tapat ko.. tumayo sya sabay sabi" TARA NA" nung nasa pinto na sya.. lumingon ulit sakin. sabi" MARAMI KAMI!!" sinigaw ko sa knya!! " P.i MO!! WALA AKONG PAKI KAHIT MARAMI PA TEXT SPEAK VIOLATION!! MGA MAGNANAKAW MAMAMATAY DIN KAYU!! MABARIL SANA TEXT SPEAK VIOLATION!!" sabay takbuhan pababa sa GMA KAMUNING. Pagbaba ko sa NORTH nireport ko sa pulis TEXT SPEAK VIOLATION nnyari. may naabutan akong BAkla na nagrereport din.. hbng snsabi ko sa pulis un nanyari, maiyak TEXT SPEAK VIOLATION bakla nanakawan di pala xa nung mga un..WALLET AT CP...sa mga makakabasa please mag iinagat po tau. kahit sa MRT di safe.. TEXT SPEAK VIOLATION mga gumigitgit yan TEXT SPEAK VIOLATION mga magnanakaw.di mo mppagkakamaln dhil mga naka polo pa. malilinis.. lagpas 10 sila.. premind nalng din sa iba.
Image
User avatar
conquerorsaint
Starblade Alpha
Starblade Alpha
Posts: 219
Joined: Thu May 29, 2003 6:03 pm
Location: Paranaque

sana may tumira na vigilante group jan sa mga salot na yan. :evil:
BUY/SELL/LEND MEETUPS :
WEEKDAYS : Alabang Town Center /Molito Complex Lunch Breaks (12nn-1pm) or After Office Hours (6pm onwards)
Post Reply