Page 5 of 5

Re: pet lovers thread (do you have pets?)

Posted: Fri Mar 31, 2017 12:01 pm
by panrex
Kephalek wrote:
Mon Jun 30, 2014 9:40 pm
Any dog owner here na naka encounter na sa aso nila with Parvo? Kakaconfine lang namin sa vet ng 3 month old na belgian malinois namin and most likely is parvo nga daw ang sakit,nung saturday sya tumamlay and nagsuka with worms at may diarrhea din. due na sya for vaccination last week pero wala yung vet nya kaya napostpone tapos biglang nagkaganito. any recommendation sa mga nakaencounter na ng ganitong case? thanks.
hmmm if vomiting with worms po positive lang na worms yan at di parvo..malansa po ba ang dumi niya? if yes then its parvo if not then its worms..

kamusta na po yong dog ninyo? ang parvo po ay walang gamot ang tanging magagawa lamang po ng mga veterinarians ay supportive therapy like fluids and antibiotic shots na baytril and amox.. seeing a lot of parvo cases sa PAWS.. gumagaling naman ang mga dogs pero everyday sila ginagamot ng vet iyan..

Re: pet lovers thread (do you have pets?)

Posted: Tue Jun 05, 2018 11:49 am
by Argineboy20
Need help

Ang hirap na pakainin ng 6 months old lab ko simula ng nagkaroon sya ng mens

Ano need ko gawin para ganahan sya ulit kumain?

2 times a day dapat diba tapos 6 cups of dry kibble minsan ang nauubos nya lang is 3 cups :???:

Re: pet lovers thread (do you have pets?)

Posted: Thu Jun 07, 2018 12:14 am
by Sn@kemaru
Mayroon kami 1 female, standard, sable, bi-eyed Siberian Husky. Taki ang binigay namin name sa kanya.
Mag-9 months na sya sa June 9.
Kaninang umaga ang first mens nya. Pero pansin ko nabawasan yun harot nya. Dati rati kapag pinapakawalan ko sya sa pagkakatali ay magtatatakbo na yun sa bakuran ala road runner. Kanina, saglit lang sya tumakbo then dumikit na sa akin at nagpapa-pet na.
Wala sya aircon or electric fan. Since 2 months old nung nakuha namin sya ay nasa labas lang sya. Nung maliit pa sya, nasa cage nya at pinapabayaan namin mag-explore sa bakuran namin with supervision namin.
Ngayon ang lakas ng ulan, ayun, naglalaro sa ulan, Ayaw sumilong.
Yun mga past dogs namin takot or ayaw sa ulan pero itong husky, water dog nga. Sana lang wag sipunin.

Past dogs namin ay:
Askal
Japanese spitz x askal
Belgian Malinois x Labrador

Nagkaroon din ako ng 3 pusakal.
Nei (female)
Miu (female)
Oda (male)
Argineboy20 wrote:
Tue Jun 05, 2018 11:49 am
Need help

Ang hirap na pakainin ng 6 months old lab ko simula ng nagkaroon sya ng mens

Ano need ko gawin para ganahan sya ulit kumain?

2 times a day dapat diba tapos 6 cups of dry kibble minsan ang nauubos nya lang is 3 cups :???:
Baka dahil sa may pagbabago sa katawan nya dahil sa mens nya?
Iwanan mo lang kahit konti food at dextros (water with sugar) para kung kailangan nya ay may makakain at maiinom sya.
Also, baka nanawa sa food nya? try mo magbago lang muna or raw feeding.
Or baka busog pa at kailangan lang i-walk para mapagod and magutom.

Re: pet lovers thread (do you have pets?)

Posted: Thu Jun 07, 2018 4:42 pm
by ServiceStar
@snakemaru
baka pwede makahingi ng sibe kung pa stud mo. hehe.

Re: pet lovers thread (do you have pets?)

Posted: Thu Jun 07, 2018 9:48 pm
by Argineboy20
@Sn@kemaru oo nga siguro sa mens pero try ko sya ipasyal masaya namna at malikot tapos naubos na pagkain. Nagutom bigla :lol: :lol:

Re: pet lovers thread (do you have pets?)

Posted: Sat Jun 09, 2018 5:16 pm
by Sn@kemaru
ServiceStar wrote:
Thu Jun 07, 2018 4:42 pm
@snakemaru
baka pwede makahingi ng sibe kung pa stud mo. hehe.
Hindi pa namin pa-stud ngayon kasi masyado pa daw bata. Safe na daw magbuntis at manganak kapag naka-2nd heat na.
Pero may mga nabasa naman ako na kahit on 1st heat ay ok naman ang pagbubuntis at panganganak.
May husky ka ba ngayon? san location mo bro?
Argineboy20 wrote:
Thu Jun 07, 2018 9:48 pm
@Sn@kemaru oo nga siguro sa mens pero try ko sya ipasyal masaya namna at malikot tapos naubos na pagkain. Nagutom bigla :lol: :lol:
Same din sa sibe namin. Bumalik yun harot at zest nya sa pagkain. Parang palagi ngang gutom.
Kahit mixed table food at dog food nya, ubos nya.
Siguro kasi dahil sa tag-lamig na ngayon. Nung kasagsagan kasi ng init nung summer ay konti lang sya kumain. Minsan nga inaabutan ko pa sa gabi na hindi nya ginalaw yun dog food nya.

Re: pet lovers thread (do you have pets?)

Posted: Sun Jun 10, 2018 8:05 pm
by DarkRushBeat
ATM, i have 2 hammerhead catfishes, several goldfishes (as feeders) to my 2 pet banded file snakes....

Re: pet lovers thread (do you have pets?)

Posted: Mon Jun 11, 2018 9:39 am
by ServiceStar
@snakemaru
pwede na din yan sa first heat pa lang. dati meron akong husky kas namatay na, leptospirosis.
malapit lang ako sa sm north bro.

Re: pet lovers thread (do you have pets?)

Posted: Tue Jun 12, 2018 2:05 am
by Sn@kemaru
ServiceStar wrote:
Mon Jun 11, 2018 9:39 am
@snakemaru
pwede na din yan sa first heat pa lang. dati meron akong husky kas namatay na, leptospirosis.
malapit lang ako sa sm north bro.
Sorry about the loss, bro.
Ayaw pa ni misis na pa-stud sa 1st heat. Pabayaan daw muna mag-mature at sa 2nd heat na lang daw. Bibilang na naman kami ng 3 months or more para sa next heat nya.
Besides, naka-order pa lang ako ng aluminum dog cage at baka sa Friday pa ang delivery nun.

Re: pet lovers thread (do you have pets?)

Posted: Tue Jun 12, 2018 8:53 am
by ServiceStar
tama naman, baka mabigla yung aso.
how much yung dog cage na order mo?

Re: pet lovers thread (do you have pets?)

Posted: Tue Jun 12, 2018 12:38 pm
by Sn@kemaru
^ aluminum dog cage
3ftx3ftx3ft
may single door sa harap at may top door.
6,000 + 200 delivery fee.

Sana tumupad sa kasunduan namin yun pinag-orderan ko.

Re: pet lovers thread (do you have pets?)

Posted: Wed Jun 13, 2018 9:35 am
by ServiceStar
mahal talaga aluminum cage. bakit naman hindi tutupad bro?

Re: pet lovers thread (do you have pets?)

Posted: Wed Jun 13, 2018 9:32 pm
by Tibarn
...sa leiyureens sa bulacan stainless steel mga binibenta.

Re: pet lovers thread (do you have pets?)

Posted: Thu Jun 14, 2018 10:42 pm
by Sn@kemaru
@ServiceStar: Baka lang hindi masunod yun specs na sinabi ko sa kanya. May shop naman sya at nag-issue naman sya ng receipt para dun sa downpayment ko. Expected ko bukas ang delivery nya unless lang kung hindi sila naka-trabaho dahil sa maulan na panahon natin ngayon. Kailangan na ikulong si husky kasi naninira at nanggugulo ng bakuran kapag naiwan mag-isa. Ngayon nga yun basura ang kinalat nya.

@Tibarn: Malayo nga lang ang obando. Hindi ko lang matandaan kung nakapag-inquire na ako sa kanila before.

Re: pet lovers thread (do you have pets?)

Posted: Fri Jun 15, 2018 8:21 am
by ServiceStar
@snakemaru
ahhh. malamang naman nakapag trabaho sila kahit maulan.
madali kasi ma-bore ang husky kaya kung ano ano ang kinakalikot nila e. ganyan din husky ko dati, naka sira pa nga siya ng disc ng ps3 ko nun, pati cp nasira din.

Re: pet lovers thread (do you have pets?)

Posted: Sat Jun 16, 2018 11:05 pm
by Sn@kemaru
^ The good thing is na-deliver naman yun dog cage kahapon.
Ang hindi lang nasunod ay kulang sa 3ft yun sukat ng height ng dog cage. Sinama nya sa height yun paa ng dog cage. Hindi ata kami nagka-intidihan na yun loob mismo ng cage ay 3 feet ang height, excluding the 5 inch feet.
Pero yun length and width pasok naman sa 3x3 na request ko.

Hindi naman namin pinapagala sa loob ng bahay yun husky. Hanggang door to sala lang sya. off limits na sya sa ibang part ng bahay.
Kaya wala sya nasisira sa loob ng bahay.

Sa mga nasira nya sa labas naman ay:
1. Walis tingting
2. Batya (laundry tub)
3. Canister ng dog food nya, tinapon nya lahat ng contents.
4. slippers
5. garden hose
6. basurahan
7. mga halaman at puno ng papaya at malunggay. lahat ng tanim namin gabi, binungkal.
8. dog leashes. Nakaka-3 or 4 na ata ang sinisira nya. Kung hindi dahil sa ngatngay ay napipigtas dahil sa lakas nya.
9. bottle of condiments sa kusina sa labas - cooking oil, vinegar, soy sauce, salt, etc.
10. bottle of fabric softener and laundry soaps - buti hindi naman bumula bibig at nalason. hehe
11. stacks of hollow blocks. naabutan ko na lang basag na yun iba at natumba.

Re: pet lovers thread (do you have pets?)

Posted: Sun Jun 17, 2018 12:27 am
by Argineboy20
Ganyan din lab ko siguro nasa teething stage pa talaga sila kaya mangatngat.

Napilitan na din ako bumili ng dog cage at ang dami sinisira.

Pinapasyal ko na lang para hindi nalulungkot :lol:

Re: pet lovers thread (do you have pets?)

Posted: Sun Jun 17, 2018 8:25 am
by ServiceStar
@snakemaru
yun lang minsan ang hindi naiisip ng mga gumagawa ng ganyan na itanong sa customer. kasya naman ba yung dog mo?
grabe ang husky kapag unsupervised. hehe. wala kasi kami garahe noon kaya sa loob lang ng house. naging kampante kasi ako na hindi naman niya gagalawin, kaya ayun. nabasa ko sa net na dapat madami daw chew toy ang husky. para hindi madaling ma-bore.