PBA Basketball

Talk about things other than video games. What are your other hobbies? What's your favorite TV show? Are you into sports. Any recommended restaurants? Do you travel?
Post Reply
deathzero23
Fired Up
Fired Up
Posts: 6283
Joined: Wed Dec 12, 2012 12:23 pm

Wed Aug 26, 2015 3:37 pm

Well, baka wala kaya best advice to Parks is to at least maka-D-League siya or join Gilas, pampataas ng stock value nya while waiting his chances in NBA. He doesn't need to worry about PBA coz no matter what he do, 1st draft pick pa rin siya next year or the following year. Tropahin nya si Jordan Clarkson din hahaha..
User avatar
SirZap
Big Daddy
Posts: 4383
Joined: Mon Dec 01, 2003 5:34 pm
PSN ID: SirZapp

Thu Aug 27, 2015 11:06 pm

http://www.philstar.com/sports/2015/08/ ... play-gilas

MANILA, Philippines – Los Angeles Lakers guard Jordan Clarkson will not suit up for Philippine national basketball team anytime soon.

In an email, Mike Clarkson, Jordan’s father, cited timing as a factor in his son’s decision to pass on the chance to don the country’s colors, emphasizing Jordan’s current commitment with the Lakers in the NBA.

"Having Jordan participate with the Gilas in 2015 isn't a logical or sound business decision as he enters into this important NBA contract year,” the elder Clarkson wrote.

Jordan is in town and has started working out with the nationals, who are in the thick of preparation for some overseas tournaments, the most important of which is the 2015 FIBA Asia Championship next month.

Coach Tab Baldwin has included Clarkson in his 24-man pool for Gilas.

The 23-year-old guard’s visit to the country and the recent news that he possesses a Philippine passport fanned hopes of Filipino hoop aficionados that he will be able to reinforce Gilas.

But Mike Clarkson lamented that his son’s possible Gilas stint will come in conflict with his preparation for the next NBA season in October.

“As you know in professional sports, timing is of the essence especially when managing a players' career,” he continued.

“Unfortunately, the timing couldn't be worse as he prepares for rigors of the upcoming 2015-2016 NBA season and heightened performance expectations.”
Image
Like · Comment · Share
You and 101 others like this.
User avatar
parokyano
LeBronista
Posts: 14005
Joined: Thu Jan 12, 2006 1:11 pm
PSN ID: LeBronista

Mon Sep 14, 2015 11:19 pm

Ang lakas ng mga pasabog ni Snow Badua laban kay Alfrancis Chua.. though di ko alam if ano papaniwalaan and masama din kasi ugali nitong si Snow Badua and madalas gumawa ng kuwento or rumor.. May pagka sensationalist journalist kasi.. tsaka bakit ngayon lang bigla nilahad after kumalat yung issue na may affair sila ni Abby Poblador..
Image
User avatar
charliedrama
Everybody's Golf
Posts: 1908
Joined: Thu Aug 25, 2011 10:23 pm
PSN ID: charliedrama21

Tue Sep 15, 2015 3:53 am

If theres one person to blame first its mo twister... That d bag never knew how to keep his mouth shut, i keep wondering why he hasnt been banned the radio waves. Anyway totoo man o hinde yung issue kay chua the damage has been done.
ADD ME UP! :)

PSN ID: charliedrama21
deathzero23
Fired Up
Fired Up
Posts: 6283
Joined: Wed Dec 12, 2012 12:23 pm

Tue Sep 15, 2015 8:19 am

charliedrama wrote:If theres one person to blame first its mo twister... That d bag never knew how to keep his mouth shut, i keep wondering why he hasnt been banned the radio waves. Anyway totoo man o hinde yung issue kay chua the damage has been done.
Dahil diyan may hashtag na sila #AlPob :lol:

Moral Lesson, don't trust Mo Twister.

If the story is true about Alfrancis being the brains behind not allowing Junemar and co.not letting play for Gilas, what will he gained from SMC heads?
Either of the ff:
- he's the real brains behind it
- he's just being ordered by SMC management
- he's just the scapegoat for RSA
User avatar
charliedrama
Everybody's Golf
Posts: 1908
Joined: Thu Aug 25, 2011 10:23 pm
PSN ID: charliedrama21

Tue Sep 15, 2015 9:16 am

Chua man o hinde personally could care less for smc teams from that point on onwards.

Rooting for either meralco because of norman black and rabeh's return. Rabe claims his experience in kuwait did a lot of good for him as far his maturity and perspective in life is concerend. I want to see rabeh get his game on track because he really hasnt especially coming to the pba with high expectations.

Also rooting for tnt this season. Hopefully big difference ng tnt si mo against junemar.
ADD ME UP! :)

PSN ID: charliedrama21
deathzero23
Fired Up
Fired Up
Posts: 6283
Joined: Wed Dec 12, 2012 12:23 pm

Mon Sep 21, 2015 12:25 pm

PBA bans sports writer Snow Badua due to the #AlPob controversy.
My comment on this eh di ba dapat si Mo Twister mawalan ng trabaho dahil sa kanya nagsimula ang story di ba?
http://www.spin.ph/basketball/pba/opini ... a-to-media
Why did Badua get the PBA's goat?

A PBA official, requesting anonymity, intimated that some team officials present in that board meeting were fed up with articles that Spin.ph has dared run in the past. These presumably include the “farm teams” issue and game-fixing in the league, which we did run, precisely to give the professional teams a chance to air their side and address accusations constantly thrown at them by fans online.
Yung issue ng farm team, matagal na yan. Open secret ba. Mga ayaw lang umamin.
User avatar
parokyano
LeBronista
Posts: 14005
Joined: Thu Jan 12, 2006 1:11 pm
PSN ID: LeBronista

Mon Sep 21, 2015 5:56 pm

wala naman sa pinas si mo twister and hindi naman siya part ng pba press corp.. hindi rin siya sports writer.. and i dunno why dapat sisihin si mo.. yung segment is called forbidden questions.. sa simula madali lang mga questions pero habang tumatagal humihirap and mas nagiging personal.. pero may option naman na mag "tap out" yung guest if pakiramdam niya masyado ng maselan yung tanong.. so for me nasa sumagot yung tanong lalo na alam niya namam na pwede wag niya na banggitin..

as for snow tama lang yan.. idedemanda din daw yata siya ni alfrancis chua.. i may sound cruel pero sana nga ituloy ni chua pati na rin ng ibang tao na naagrabyado ni snow pag dedemanda sa kanya hanggang sa mauwi na wala na siya maipapakain sa pamilya niya and iwanan siya.. siyang ang cristy fermin ng sports journalism.. mag iimbento ng kuwento maging relevant lang siya sa industry..
Image
deathzero23
Fired Up
Fired Up
Posts: 6283
Joined: Wed Dec 12, 2012 12:23 pm

Tue Sep 22, 2015 12:22 am

Eh di dapat pala ang habulin eh si Abby Poblador siya pala sumagot eh.
User avatar
charliedrama
Everybody's Golf
Posts: 1908
Joined: Thu Aug 25, 2011 10:23 pm
PSN ID: charliedrama21

Tue Sep 22, 2015 5:38 am

Kung wala naman kasi itatago si chua dapat harapin na lang niya mismo or kasuhan ng libel. Lumalabas kasi hindi binigyan ng due process yung writer. At stake kasi dito aside from being smc honcho, head siya ng basketball coaches association of the philippines. Kelangan ata dun role model ka sa mga kasama mo at good moral character. Gaya nung kay noli ealam kaya siya natanggal before dahil sa extra marital affairs niya conflicted with his stature of being a commisioner.

Lumalabas tuloy may tinatago si chua. Dapat hinarap na lang niya yung dalawa or tatlong tao na yun. Kahit walang koneksyon sa basketball per se, yung role niya as head of bcap ang in question dito.

Sa nba or any other professional league for the matter, hindi nila gagawin sa press yan. They will give due process to all parties involved at doon lang paparusahan yung reporter or writer kung guilty talaga sa pagsasabi ng slanderous material..
ADD ME UP! :)

PSN ID: charliedrama21
deathzero23
Fired Up
Fired Up
Posts: 6283
Joined: Wed Dec 12, 2012 12:23 pm

Tue Sep 22, 2015 6:35 am

Parang matindi galit ni Parokyano kay Snow Badua. hahaha.
Tama naman si charliedrama..
Walang due process. Martial Law style ang ginawa kay Snow.
Snow might ba a-hole but what PBA did too him is.. Too Much.

Pointing out the Noli Eala scenario is valid..
Moral Lesson, dapat kung hahawak ng posisyon na requires high moral conduct..
Wag nang gumawa ng Imoral.. Hahaha..

Lalabas nagtatago si Chua sa likod ng PBA eh. Umamin na si Abby Poblador kaya harapin na lang ni Chua resulta ng kalokohan nya.
Ganun lang yun. Step down sa pwesto, magsampahan ng kaso. Masyado siyang kapit tuko sa pwesto di naman maganda palakad nya.
User avatar
parokyano
LeBronista
Posts: 14005
Joined: Thu Jan 12, 2006 1:11 pm
PSN ID: LeBronista

Tue Sep 22, 2015 6:57 am

i think di naman kailangan ng mahabang due process.. maihahalintulad kasi yan sa isang employee na pinagmumura ang employer niya sa social media.. ang kailangan lang na proof is account talaga ni employee yun..

and i dunno paano pa makakapag salita si chua sa estado niya ngayon na ayon sa balita devastated daw ang pamilya dahil sa mga paninira ni snow so malamang iyun muna ang tinututukan niya and yung pag file daw ng kaso.. kung ako din naman mas pipiliin ko unahin yung gusot sa pamilya bago ko unahin yun iniisip ng ibang tao.. and mas makakabuti din siguro ang pananahimik kasi baka mamaya ano pa masabi sa harap ng media na pwede mas makapag palala pa.. kung sa akin kasi ginawa yun matinding galit ang mararamdaman ko and God knows na lang if ano masasabi ko or magagawa ko if makaharap ko gumawa sa akin niyan.. that's why i'm hoping na asap mahatulan na si snow sa isang korte and ubusin ni chua and ng iba pa niyang nabiktima pera ni snow sa pambayad ng damages sa kanila hanggang sa no choice siya kundi tumalon sa ilog pasig..
Image
User avatar
parokyano
LeBronista
Posts: 14005
Joined: Thu Jan 12, 2006 1:11 pm
PSN ID: LeBronista

Tue Sep 22, 2015 7:09 am

deathzero23 wrote:Parang matindi galit ni Parokyano kay Snow Badua. hahaha.
Tama naman si charliedrama..
Walang due process. Martial Law style ang ginawa kay Snow.
Snow might ba a-hole but what PBA did too him is.. Too Much.

Pointing out the Noli Eala scenario is valid..
Moral Lesson, dapat kung hahawak ng posisyon na requires high moral conduct..
Wag nang gumawa ng Imoral.. Hahaha..

Lalabas nagtatago si Chua sa likod ng PBA eh. Umamin na si Abby Poblador kaya harapin na lang ni Chua resulta ng kalokohan nya.
Ganun lang yun. Step down sa pwesto, magsampahan ng kaso. Masyado siyang kapit tuko sa pwesto di naman maganda palakad nya.
Dude mga fantards lang ni Snow ang hindi magaglit pati mga galit sa Ginebra dahil sa issue na di sila nag pahiram ng players..

Dude journalist si Snow and may hidwaan sila ni Chua.. nung nakakita siya ng tyempo gunamit niya ang social media para atakehin ng personal si Chua at kung ano anong kasinungalingan tinapon niya para pati ang mga
tao magalit din sa kanya.. pati yung di pagpapahiram ng players ng SMC sa kanya isinisi.. yung pagkakakuha niya ng position niya sa SMC dahil daw siniraan niya yung dating may hawak ng posisyon niya.. if nabasa mo yung lahat ng tweets ni Snow kitang kita na namemersonal at may intensyon manira kaysa magpahayag or magbalita.. and come on.. dami pala niyang "alam" pero bakit ngayon niya lang nilabas nung may issue about chua and abby.. hindi ganyan ang isang matinong journalist.. masyadong tuso.. lahat ng mainit na issue sa loob ng SMC kay chua niya tinapon like yung mga trades.. papalit palit ng coaches and yung pagka punta ni cone sa ginebra and di nila pagpapahiram ng players sa gilas..
Image
yonsei55
Jumping Flash!
Posts: 243
Joined: Fri Nov 20, 2009 10:46 pm

Tue Sep 22, 2015 7:52 am

ang tanong meron ba talaga? yun lang yun. nagtataka rin me kung bakit baliktad ata nagyari ngayon kesa dun sa kaso ni noli eala.
deathzero23
Fired Up
Fired Up
Posts: 6283
Joined: Wed Dec 12, 2012 12:23 pm

Tue Sep 22, 2015 8:24 am

Hmmm.. I'm not fully aware if Snow and Chua had a very long history together.
Can anybody shed light to their dark pasts prior the "farm team", "anti-Gilas", Tim Cone Movie & "AlPob" story?

Pero technically, kung applicable kay Noli Eala yung rule dapat kay Chua din di ba?
Or sa mga lawyers lang yun?

Kung sa issue ng di pagpapahiram, kung di kay Chua isisisi eh kanino? Mga naka-depensa nga buong SMC camp.
PBA supports daw the national team program eh anyare? key players ng Gilas 2.0 di nakabalik. At puro SMC players pa.
Buti pa si Ping may balls. Si Tenorio wala maidahilan, fatigue daw. Greg & Marcio could've been a big help too.
Though it's not i'm not appreciating Gilas 3.0. Gilas 3.0 isn't a tall team but i believe is a better team a bit than Gilas 2.0

Yung kay Abby, yun nga si babae na umamin at sumakay lang si Snow.
Baka may away yang si Abby at Chua di kaya?
User avatar
charliedrama
Everybody's Golf
Posts: 1908
Joined: Thu Aug 25, 2011 10:23 pm
PSN ID: charliedrama21

Tue Sep 22, 2015 8:28 am

Deny til you die ika nga hahaha, pero lalo lang talagang mukhang talo si afc at credibility ni salud. Wala naman akong paki kung nambabae si afc o hindi eh hahahaha pero ang wise kasi dyan talaga harapin niya in a court of law para magkaalaman kung sino nagsasabi ng totoo. Para kasing bata kasi si chua na humingi ng resbak kay salud.

Kung ako sa kanya, i will fight it legally para maklaro pangalan ko. At the same time i will relegate duties of smc head and bcap head to someone else until the smoke clears at malinis pangalan ko. Pero dahil hinatawan kaagad ng ban without investigation kung totoo man o hinde sinabi ni badua, lumalabas prinoprotektahan ni salud si afc at may tinatago si afc.

Walang pinagkaiba situation ni eala at ni chua. Both situations may nagsumbong or may nagrat out na both are having affairs with someone. Difference is yun isa tinanggal sa commisioners position, yung isa parang prionprotektahan siya ng league office
ADD ME UP! :)

PSN ID: charliedrama21
User avatar
charliedrama
Everybody's Golf
Posts: 1908
Joined: Thu Aug 25, 2011 10:23 pm
PSN ID: charliedrama21

Tue Sep 22, 2015 8:38 am

Pagkatapos ng aldub mukhang okay sundan alpob ha. Kaya pala ayaw ni yayadub maging muse kasi may "yayapob" na hahahahaha
ADD ME UP! :)

PSN ID: charliedrama21
deathzero23
Fired Up
Fired Up
Posts: 6283
Joined: Wed Dec 12, 2012 12:23 pm

Tue Sep 22, 2015 8:43 am

^yeah..
- Chua should leave his duty and file a case, leave it to the courts.
- Badua must face the results of his actions but give him a equal footing at least by laws.
- But it's UNDENIABLY PBA's ban is Too Much. (It's like an Ultimate Ban Hammer)
- Clearly now matter how PBA "promised" to support NT program, they can't hold team owner's necks. Way to go Salud.

But not to the point na
that's why i'm hoping na asap mahatulan na si snow sa isang korte and ubusin ni chua and ng iba pa niyang nabiktima pera ni snow sa pambayad ng damages sa kanila hanggang sa no choice siya kundi tumalon sa ilog pasig
like Parokyano saying. Hahaha.

Nothing against parokyano ok.. It's seems parang affected kasi siya eh.
Parang ang dami-dami nang sinirang buhay ni Snow eh. (Di ko rin kinakampihan si Snow)
Equal footing lang for both to defend their stands.. That's all. Walang proteksyon or anything.
Peace.
User avatar
charliedrama
Everybody's Golf
Posts: 1908
Joined: Thu Aug 25, 2011 10:23 pm
PSN ID: charliedrama21

Tue Sep 22, 2015 8:47 am

Laughtrip to si salud kahit ano gawin niya hindi na ako magtataka, gaya nung drafting for number one pick hahahaha. Hinanap niya talaga yung number one para sa global port.

Kung guilty si afc, simple lang, face his family and admit he made a mistake. And learn from it

Kung si badua naman, tanggapin niya yung ban and learn from it and find another job.
ADD ME UP! :)

PSN ID: charliedrama21
yonsei55
Jumping Flash!
Posts: 243
Joined: Fri Nov 20, 2009 10:46 pm

Tue Sep 22, 2015 8:51 am

hahaha, kati pa more! kung gagawa ng kalokohan siguraduhing kayang panindigan.
deathzero23
Fired Up
Fired Up
Posts: 6283
Joined: Wed Dec 12, 2012 12:23 pm

Tue Sep 22, 2015 9:14 am

@charlie:
Pang-asar yung lottery na yun..
Sabi pa ni Yeng Guiao mag-volunteer sila sa RoS na bigyan ang PBA ng lottery machine at transparent box.
Di raw talaga pinag-isipan.

Seryoso, kelangan gayahin ng PBA yung format ng NBA Lottery. Pormal na pormal.
Makita lang ng fans yung 1st to 12th pick for round at least.
Ano ba naman yung 45mins to 1hr na airtime sa TV di ba? Once a year lang naman.
Yaman-yaman ng PBA eh, matinong draft lottery wala?
Tapos mag-bo-board meeting sila ng stake holders sa labas pa ng bansa, pwede naman dito na lang.
User avatar
parokyano
LeBronista
Posts: 14005
Joined: Thu Jan 12, 2006 1:11 pm
PSN ID: LeBronista

Tue Sep 22, 2015 9:44 am

No offense guys I think your looking at this in a wrong way.. hindi naman sa kinakampihan ko si Chua.. pero he's just a Governor or representative from Brgy. Ginebra.. ano naman kung nang babae siya diba? Hindi lang naman si Chua ang na tsismis/blind item na team official na nangbabae.. di ko ma gets bakit may mga humihiling na patalsikin siya as if siya ang commissioner like Noli Eala was.. kung nangbabae man siya discretion na niya yun if bababa siya sa pwesto dahil sa kahihiyan or hindi.. mahirap din mag decide na basta basta iwan ang trabaho lalo na kung may pamilya kang sinusuportahan.. kung pwede mo naman kapalan ang mukha niya hanggang lumamig ang issue basta magtuloy tuloy lang provisions niya diba why not?

Ang why din pinag iinitan si Narvasa and Salud.. trabaho nila ay pangalagaan ang mga officials nila.. tsaka ano ang iimbistigahan nila? Puro paratang lang ang ibinibigay sa kanila pero asan ang proof na magsisilbing lead para sa investigation.. paano yun? pupuntahan nola si ramon ang and sasabihan he's under investigation kasi sabi ni snow badua "according sa source" niya ayaw niya talaga magpahiram or ni chua ng players sa gilas sabihin natin pumayag si Ang and Chua paano naman uusad ang investigation kung wala ng ibang masabi or maipakita yung accuser kundi "basta sabi ng source ko eh".. sino ba yung source? paano nakuha ng source yung information?

and "nakakatawa" lang.. madaming nauto si snow.. lalo na yung mga di nakakakilala sa kanya as a journalist.. na sa kanya ang simpatya pero sino ba nakasira? aware naman daw mga anak ni chua na hindi na maganda pagsasama nila ng asawa niya.. ang nakasakit daw sa kanila yung mga paratang ni snow na pati sila hinuhusgajan ng mga tao na nakakaalam na anak sila ni chua.. mga imbentong paratang para lang ibaon ang isang kaaway.. na kapag tinanong asan ang pruweba walang maipakita.. puro "according to my source".. and may point talaga ang PBA na i-ban siya dahil sa ganyang kalakaran niya.. and this time wala na talaga siya sa lugar sa mga pinagsasabi niya sa twitter.. nasisira pangalan ng liga and ibang teams sa mga sinusulat niya.. hindi ba ang pangit tignan nasisira ang pangalan mo tapos pag tinanong saan galing puro sa "source ni snow badua"..
Image
User avatar
charliedrama
Everybody's Golf
Posts: 1908
Joined: Thu Aug 25, 2011 10:23 pm
PSN ID: charliedrama21

Tue Sep 22, 2015 3:01 pm

^none taken. Pero im not looking at it at the wrong way. Im looking at it objectively where its one man's word over another. Ok lang naman parusahan ng ban yung tao kung hindi totoo yung mga published items niya kaso si salud na mismo kaagad nagpataw ng punishment kahit di pa alam ng lahat yung totoo., and no one no probably knows at this point kung di si afc.

Afc should man up and just face the dude in court. Best case scenario for him, mapatunayan na slanderous nga sinabi ni badua, the ban sticks and chua's name is cleared. Worst case scenario , badua proves him wrong that meron talagang binanggit si pob sa radio na pangalan ni chua at justified yung pagrereport niya, that she mentioned his name on air.

More than his post at smc, i think mas mabigwt yung pwesto niya as president of the Basketball Coaches Association of the Philippines. Yun yata kelangam good moral character ka and upstanding model to properly serve a purpose and do the job with integrity. Im pretty sure walang pinagkaiba to sa experience ni noli eala other than that.

i get why afc is taking the high roade in remaining silent and not saying anything to the press and dignifying what badua said. Tama lang yun. But since salud and narvasa spoke up for him, mapapaisip ka lang why do they have to fight his battles for him? I mean, why didnt the league office protect eala during his time as commish?


Anyway, good luck sa gilas boys natin! Sana nga condition si blatche. Si ranidel bihira magsalita pero i like the confidence he is feeling as well as the other guys from the team. Will follow the game on twitter and watch the replays on youtube sportsfive :bball:

#labanpilipinas
ADD ME UP! :)

PSN ID: charliedrama21
deathzero23
Fired Up
Fired Up
Posts: 6283
Joined: Wed Dec 12, 2012 12:23 pm

Tue Sep 22, 2015 3:55 pm

11:30am bukas yung laban ng Gilas 3.0
so pa-share ng livestream or livestats para sa mga blocked ang streaming sa mga offices..
Go Gilas
User avatar
parokyano
LeBronista
Posts: 14005
Joined: Thu Jan 12, 2006 1:11 pm
PSN ID: LeBronista

Tue Sep 22, 2015 7:24 pm

again no offense pero ang tingin ko kasi kaya kinakampihan mo si snow kasi inis ka sa SMC dahil sa issue na allegedly ayaw nila magpahiram ng players sa Gilas.. and if hindi man is hindi mo kilala si snow badua.. or at least narinig mo na pangalan niya and aware ka na journalist siya pero hindi mo siya nasubaybayan..

like i said discretion ni chua if gusto niya bumaba sa mga posisyon na hawak niya.. kahit si noli eala hindi naman sinibak sarili niyang disisyon ang mag step down.. though he got disbarred.. hindi naman lawyer si Chua..

and I'm curious saan galing yung balita na nagtatago si Chua sa likod ni Narvassa and Salud.. sabi ng nila pinag iisipan na niya mga gagawin niyang hakbang against kay Badua.. and maliit na issue lang yung kay Abby Poblador.. ang malaking issue is yun paninira ni Badua sa trabaho niya.. and sabi niyo nga bakit walang due process.. eh nag investigate na pala si narvasa ng kinausap niya yung mga league officials, team owners, and even players and nalaman niya hindi lang ito ang unang beses na ginawa ni Badua ito.. and syempre nasisira na ang imahe ng PBA.. tama naman na sana kung sa radyo, tv, or dyaryo ang ginawa niyang venue ng paninira niya.. hindi siya papatulan ni narvasa dahil maituturing na "nagtratrabaho" siya.. pero gaya nga bg sinabi ko sa social media siya nagsabi ng mga kabalbalan so as a journalist he steppes out of bounds na.. and ang pinaka mabigat WALA SIYANG PROOF para pagbasehan na factual ang mga sinasabi niya.. Unang hakbang lang yung pag ban and susunod ang legal action.. and no contest naman yan kasi wala naman maipapakitang pruweba si snow.. hindi pwede gawing ebidensiya sa korte ang "hearsay"..

paki watch mo sa youtube yung episode ng hardball ni bill velasco pareho nagpa interview sa badua and narvasa.. Pero kwento ko na rin ibang part ng interview.. badua admitted matagal na niyang ginagawa yung ganito para mapag usapan ang mga "article" niya.. and malinaw sa tweets niya si alfrancis chua ang binabanatan niya.. and sa buong interview binabanggit niya pangalan ni chua.. sa bandang huli tinanong siua ni bill velasco if may mga proof ba siya sa accusations niya kay chua.. biglang kambyo siya ang banat ng "blind item lang naman yun.. wala ako inaakusahan.. if magsusulat man ako.. sisiguraduhin ko may pruweba ako".. :facepalm:
Image
Post Reply