Talk about things other than video games. What are your other hobbies? What's your favorite TV show? Are you into sports. Any recommended restaurants? Do you travel?
...still related to commuting, pag fx gusto ko either sa pinaka likod ako nakapwesto or sa pinaka harap. Ayoko sa gitna, magiging taga abot lang ako ng bayad eh. Pag mga masisikip naman na fx tapos dun ako sa pinaka harap katabi ng driver nakaupo, binabayaran ko na yung dalawang upuan para walang kaagaw.
On another note, mas nasasatisfy ako pag mga simpleng pagkain lang ang kinakain ko tulad ng delata, itlog, etc. Pag mga mamahaling pagkain, busog nga ko pero parang bloated naman.
yung kotse pag iiwan ko sa parking hindi ako nakakampante kung remote lock lang ang gagawin ko. dapat check ko isa-isa lahat ng pinto kung naka-lock. to the point na minsan babalik pa ako sa parking para i-double-check kung na-lock ko nga.
- Dapat moist ang kamay ko to get a better grip sa dumbbells or barbells
- Instead of listening to dance or rock music while working out, i prefer listening to instrumentals, classic music or old love songs instead....It helps my mind relax habang nagbubuhat ng bakal...
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....
Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building
Naiinis ako kapag me nagsasayang ng oras. Kagaya ng panganay ko na mabagal kumilos sa umaga kapag me pasok...Kahit ba andito lang ako sa bahay nagta trabaho, ayoko pa rin yung pakiramdam ng nala-late sa pag login sa work...
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....
Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building
DarkRushBeat wrote: ↑Sun Mar 26, 2017 7:49 pm
Naiinis ako kapag me nagsasayang ng oras. Kagaya ng panganay ko na mabagal kumilos sa umaga kapag me pasok...Kahit ba andito lang ako sa bahay nagta trabaho, ayoko pa rin yung pakiramdam ng nala-late sa pag login sa work...
iba talaga pag matagal na sa BPO, natatanim talaga ng husto ang adherence kahit sa ibang bagay.
I dont snap easily naman. Mahaba pa rin ang pasensya ko sa mga small things pero yung direktang panggagago ang hindi ko talaga magawang mapalampas. Buti nga natuto na ko manahimik at magtimpi ngayon hindi tulad noon na talagang konting tira sa kin papalagan ko talaga. I was never a confrontational type of guy - basta nasagad ang pasensya ko ako na lang talaga ang kusang lalayo at iiwas sa taong tumitira sa kin. Naging specialty ko nga ang pandededma bec of this.
siguro growing up being constantly bullied had something to do with it and does have a long term effect on me that never went away ...
Yan ang isang weakness ng mga pinoy - yung pinaprangka at napapahiya. Dun sila mas nadadala eh. Di bale nang ma-offend basta importante hindi na umulit sa pagkakamali nila.
Ang level kasi ng kaprangkahan ko is pag alam ko na marami akong bala against someone at sigurado ako sa sasabihin ko talagang raratratin ko ng pagka-prangka kahit pa mag away-away kami. I only do this pag kinups talaga ako ng hindi ko naman inaano AT pag alam ko rin na sigurado ako sa mga ibubulgar ko. Pag medyo hearsay lang ang pinanghahawakan ko hindi na lang din ako nagsasalita, mahirap na baka mapahiya pa ko.