Page 116 of 122

Re: The not so good things in the Philippines

Posted: Thu Apr 13, 2017 11:12 pm
by darkwing_uop
I don't want to watch the video, but what is the short summary? the girl didn't say yes at the end?

Re: The not so good things in the Philippines

Posted: Fri Apr 14, 2017 8:55 am
by DarkRushBeat
darkwing_uop wrote: Thu Apr 13, 2017 11:12 pm I don't want to watch the video, but what is the short summary? the girl didn't say yes at the end?
Sinampal nya yung guy, tapos meron 1 lalaki na tinulak yung guy, ewan, baka me gusto rin sa girl...

Re: The not so good things in the Philippines

Posted: Fri Apr 14, 2017 2:25 pm
by darkwing_uop
DarkRushBeat wrote: Fri Apr 14, 2017 8:55 am
darkwing_uop wrote: Thu Apr 13, 2017 11:12 pm I don't want to watch the video, but what is the short summary? the girl didn't say yes at the end?
Sinampal nya yung guy, tapos meron 1 lalaki na tinulak yung guy, ewan, baka me gusto rin sa girl...
:lol: :lol: :lol: :lol:

Re: The not so good things in the Philippines

Posted: Mon Apr 17, 2017 1:58 pm
by DarkRushBeat
Mga lintek na magkakilala na sa highway pa mismo nagbabatian. Pwede naman mag shoulder muna sa gilid....Nagtraffic pa tuloy ng di oras. Nanio lahat.

Re: The not so good things in the Philippines

Posted: Mon Apr 17, 2017 2:27 pm
by grayfox17
^badtrip pa dyan pag nasa jeep ka tapos naka-go na at dun pa magtatabi yung kakilalang jeep din para mag chikahan sa daan habang antay ng pasahero. Hindi muna lumampas ng stoplight bago mag sakay ang mga loko.

Mga pinoy talaga walang sense of urgency, gustong gusto pa mag cramming ang mga loko...

Re: The not so good things in the Philippines

Posted: Tue Apr 18, 2017 3:55 am
by Daniel
Pag may ganyan, hindi ko tinitigilan ng busina hanggang umalis sila.

Re: The not so good things in the Philippines

Posted: Tue Apr 18, 2017 7:40 pm
by skp_16
Sobrang init pag summer!!!

Re: The not so good things in the Philippines

Posted: Tue Apr 18, 2017 7:43 pm
by grayfox17
^ok lang ang mainit, kahit anong tropical country naman humid at mainit pag summer time - ang problema sa tin dito lalo na sa lungsod is yung alikabok at dumi.

Re: The not so good things in the Philippines

Posted: Tue Apr 18, 2017 10:39 pm
by Daniel
Gusto ng mga foreigner dito, particularly yung mga may snow na bansa dahil sakto lang ang weather. Hindi sila giginawin. Saktong init. Well, basta may aircon. :lol:

Re: The not so good things in the Philippines

Posted: Thu Apr 20, 2017 5:55 pm
by grayfox17
Image

Image

Image

Re: The not so good things in the Philippines

Posted: Fri Apr 21, 2017 11:05 am
by skp_16
grayfox17 wrote: Thu Apr 20, 2017 5:55 pm
Image
"The grass is always greener on the other side of the fence" ika nga. :-|

Mga westerners pupunta dito sa Southeast Asia para mag beach. Tayo naman pupunta sa bansa nila para makaranas ng winter and autumn.

Southeast Asian mahilig magpaputi, westerners mahilig magpa-tan.

Re: The not so good things in the Philippines

Posted: Fri Apr 21, 2017 12:55 pm
by Daniel
kung 40% British at 60% Filipino, paano yun? di ba dapat 50-50%? ah baka kaya 60% Filipino kasi mas malaki. :sweat:

Re: The not so good things in the Philippines

Posted: Fri Apr 21, 2017 7:14 pm
by grayfox17
maganda naman ang complexion ng mga pinoy - dugyutin nga lang. :sweat:

Re: The not so good things in the Philippines

Posted: Fri Apr 21, 2017 8:44 pm
by DarkRushBeat
Mga lowered na tricycles na halos sadsad na sa aspaltong kalye yung sidecar....Ang gaan pa....Halatang pinang dra drag racing....

Re: The not so good things in the Philippines

Posted: Sat Apr 22, 2017 10:55 am
by VincH
^asar na asar akong tingnan yung mga naka lowered na tricycle na yan.

Re: The not so good things in the Philippines

Posted: Sat Apr 22, 2017 11:02 am
by DarkRushBeat
VincH wrote: Sat Apr 22, 2017 10:55 am ^asar na asar akong tingnan yung mga naka lowered na tricycle na yan.
Me kapitbahay akong babae nun sa amin sa Nova, QC, sumakay sya sa 1 ganyan na tricycle, wala na iba masakyan e, papasok sa work.. Ang harurot ni tricycle, akala mo me cameo sa Fast & Furious. Tapos biglang preno, since magaan nga ang kaha, ayun, talsik din ang pasaherong nasa loob. Bali ang ilong ni Kapitbahay. Wala naman inambag sa pagpapagamot si kups na driver, panay lang ang sorry...

Re: The not so good things in the Philippines

Posted: Sat Apr 22, 2017 11:22 am
by VincH
DarkRushBeat wrote: Sat Apr 22, 2017 11:02 am
VincH wrote: Sat Apr 22, 2017 10:55 am ^asar na asar akong tingnan yung mga naka lowered na tricycle na yan.
Me kapitbahay akong babae nun sa amin sa Nova, QC, sumakay sya sa 1 ganyan na tricycle, wala na iba masakyan e, papasok sa work.. Ang harurot ni tricycle, akala mo me cameo sa Fast & Furious. Tapos biglang preno, since magaan nga ang kaha, ayun, talsik din ang pasaherong nasa loob. Bali ang ilong ni Kapitbahay. Wala naman inambag sa pagpapagamot si kups na driver, panay lang ang sorry...
sabi ko na nga ba ganyan mga ugali ng mga nagda drive ng ganyang tricycle. pag nakikita ko mga driver ng mga ganyan ang poporma, mukhang mga gangster, medyo tabingi pa kung umupo sa motor na parang may almoranas. iniiwasan ko mga ganyan. parang sila yung counterpart ng mga Patok na jeep.

Re: The not so good things in the Philippines

Posted: Sat Apr 22, 2017 11:33 am
by grayfox17
^ang ayaw ko lang sa mga ganyang trike na lowered is ramdam mo lalo ang lubak. :sweat:

Re: The not so good things in the Philippines

Posted: Sun Apr 23, 2017 8:17 pm
by Sn@kemaru
lowered na trike? tignan lang nila kung paano nila mapakinabangan yan kapag mataas ang tubig/baha.
Or mabigat ang sumakay na lalong mag-lowered yun trike nila at magasgas or hindi maka-andar. hehe

Re: The not so good things in the Philippines

Posted: Sun Apr 23, 2017 8:46 pm
by skp_16
Yung mga bahay na naging restaurant pero walang wastong parking area, lalo na kung nasa residential area talaga yung restaurant at mas lalo na kung masikip yung lugar. Hassle for both customers and passers.