Usapang Call Center

Talk about things other than video games. What are your other hobbies? What's your favorite TV show? Are you into sports. Any recommended restaurants? Do you travel?
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

dalawa na yata naka fling ko na may sabit nung time ko sa mga call center dito sa pinas. Parehong panalo sa itsura at katawan tapos pareho din nagkakalabuan sa mga asawa/syota nila - konting palambing epek then ayun na. Di ko na kinailangang lasingin para mapapayag. Pero magkahiwalay yun hindi sabay. Lagi ko nga dala mga motel discount cards ko nun - pano pag off namin pareho kinabukasan automatic after shift diretso motmot na hehe...sa floor casual lang para walang nakakahalata pero after shift yun na. :sweat: syet ang bad ko... :lol:buti nga di pa ko tinablan ng sakit.

man, those were the times...and only good reason to come to work too....

Anyway, nung kababalik ko lang galing SG I tried going back to ortigas and ang dami na nagbago. Yung mga dating yosihan namin inalis na, yung mga dating call center na-absorb na ng clients. Yung unang account ko kung san ako unang nag work sila pa mismo ang nakabili ng majority ng kumpanya. Kung nag ayos lang ako dun sigurado baka di lang ako TL dun. Pioneering batch ako nun.
**** ****!
User avatar
DarkRushBeat
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 6260
Joined: Thu Nov 02, 2006 10:12 am
Location: The Twilight Zone

1 pa yan, absorption...

2 na experience ko sa ganyan, when JPMorgan Chase bolted from Sykes Asia & formed their own standalone operations (i was part of that transition team) & kelan lang, when Telstra also decided to have their own BPO offices here....
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....


Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building


Gameboy/Nintendo DS/PSP/Nintendo 3DS
FC: 1934-0903-9050
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

i think the proper term for that was buy-out. TInimbrehan ako ng mga tropa kong QA ng mga insider info kaya minsan weeks before mangyari ang isang malaking event like client visit or tanggalan alam na namin. I could be wrong on this info pero may kinalaman din daw ang attrition rates pagdating sa ganyan restructuring - yung tipong kulang na kulang sa mga tao so kinailangan mag step-in ng client para salbahin yung kumpanya in exchange for improvement of infrastructure nang sa ganun matuwa naman yung mga tao para hindi rin sila mag alisan.. or something like that. Ewan ko lang kung yun nga pa rin ang praktis ngayon.
**** ****!
User avatar
DarkRushBeat
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 6260
Joined: Thu Nov 02, 2006 10:12 am
Location: The Twilight Zone

3 lang BPO companies dito sa area namin sa Batangas...We have Teletech, Alorica & The Results Manila...Yung Results Manila, mga 2014 lang nagbukas but puro U.S. account sila & their offer is way higher than those 2 i mentioned earlier. & They also started "pirating" from those 2 companies...
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....


Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building


Gameboy/Nintendo DS/PSP/Nintendo 3DS
FC: 1934-0903-9050
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

ano na ba running rate ngayon? last company ko non-voice nasa 17k na agad kahit pa probi pa lang pero pag regular na walang increase... ang galing nga ng expansion ng ibang bpo ngayon, meron na rin sila sa mga probinsya, yun nga lang, provincial rates din ang sahod. Basic yata pumapatak sa 10k lang compared pag andito ka sa syudad na 12-14k ang basic kahit sa mga no exp. Pero ok lang, mura din naman ang cost of living pag nasa probinsya.
**** ****!
User avatar
SirZap
Big Daddy
Posts: 4617
Joined: Mon Dec 01, 2003 5:34 pm
PSN ID: SirZapp

^^depende sa mga companies. yup meron 18k, 20k, 25k, 30k..... depende talaga
Image
Like · Comment · Share
You and 101 others like this.
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

pinaka mataas na nakuha ko nung agent pa ko was papalo din ng almost 30k, pano ba naman may upselling na kasali :sweat: after nun ayoko na subukan ulit. Financial BPO at account yun. Tapos naranasan ko din maging super agent ng AT&T tech support ayoko na rin balikan yun kahit pa malaki nakukuha ko dun :sweat:
**** ****!
User avatar
SirZap
Big Daddy
Posts: 4617
Joined: Mon Dec 01, 2003 5:34 pm
PSN ID: SirZapp

dyan talaga sa selling at upselling malaki bigayan. lalo na kung bilingual ka.
Image
Like · Comment · Share
You and 101 others like this.
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

sa mga bilingual malaki talaga bigayan dyan kahit nung golden age ng mga call center haha... pero madalang noon ewan ko lang ngayon...
**** ****!
User avatar
DarkRushBeat
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 6260
Joined: Thu Nov 02, 2006 10:12 am
Location: The Twilight Zone

Nakakamiss din ang annual appraisal based on performance...Been to a BPO before na SME/floorwalker lang sya pero basic nya mas mataas pa sa mismong TL...
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....


Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building


Gameboy/Nintendo DS/PSP/Nintendo 3DS
FC: 1934-0903-9050
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

^tapos dyan magyayabang yung iba na "yung sahod mo tax ko lang" :sweat: :lol: ... sa isip-isip ko, kamusta naman kaya ipon ng mga taong to? :lol:

balita ko noon during 2004-2007 era ng call centers medyo generous pa ang mga clients - incentive kahit sa avg performers, madalas libreng pakain kahit walang event, etc ako mismo naexperience ko yan nung nagtrabaho ako sa isang financial BPO pero nung tumagal naging kuripot na rin. You or your team have to prove that you're good enough just to get a recognition or even warrant a reason for the management to throw a "free lunch" incentive. Other than that, you're really just a number to them. :sweat:
**** ****!
User avatar
DarkRushBeat
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 6260
Joined: Thu Nov 02, 2006 10:12 am
Location: The Twilight Zone

Numbers game nga, sabi...

A colleague once told me about a friend of his na sa call center din nagta trabaho..This guy apparently is somehow a loner, hindi sumasama sa mga team lunches, gimiks, etc...And siguro gusto rin makatulong sa magulang..I envy that guy...Sa 3-4 years nya sa call center industry, he was able to save up almost a million pesos & he gave those to his proud parents...

Sa industry din ito ako naka experience ng mag asawang SME & TL na kumuha ng car loan sa 1 prominent bank...Within a span of 1 & a half year, fully-paid na agad...
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....


Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building


Gameboy/Nintendo DS/PSP/Nintendo 3DS
FC: 1934-0903-9050
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

baka may prior nang ipon ang mga yan OR may mga sideline OR even nakahiram ng pera din pang down, mura na lang naman kasi ang pagkuha ng kotse ngayon, if you know how and where to look and who to ask, makaka diskwento ka ng malaki sa downpayment. Tsaka alam mo naman sa mga call center, madali din maglipana ang mga tsismis na ganyan at baka exaggerated na rin kaya madalas pinagmumulan ng insecurity at inggit ng iba. Nung sa last CC ko hindi ako masyado gumagasta, pamasahe, pangkain at yosi lang talaga ang pinupuntahan ng pera ko kasi hindi ako gala, di rin ako mahilig bumili ng gadgets kasi meron na ko ng mga yun at di din ako sumasabit sa mga team events pero I was able to save about 50K din sa 6months ko hehe... pinaka gastos ko na siguro yung pag taxi papasok ng work at madalas starbucks ng 2 weeks straight. Dun pa lang sa pagbili ko ng starbucks tinataasan na ko ng kilay ng mga kasama ko. :shock:

Nung minsan nagkaron kami ng parang contest na gawaan ng video dun sa last CC ko, so ako nag offer ako na magdala ng equipment. Dinala ko lang yung mga basic dslr gears ko, goPro at macbook bilib na bilib kagad yung mga kasama ko, kesyo mayaman kagad ang tingin sa kin. Pano ba naman, pobre lang ako pumorma at kumilos sa work, nag gogoto nga lang ako pag lunch tapos pipitsugin pa yung phone na gamit ko kasi hindi ako nakasmart phone then biglang makikitaan nila na may mga gamit ako na ganun. :lol: Kahit yung ibang team nagtatanong na rin sa mga gamit ko kasi sila camera phone lang ang gamit that time. Nung sinabi ko na binili ko "lang" sa abroad mga yun parang naging dating ko bigla sa kanila eh mayabang na agad ako :sweat: natatawa na lang ako pag naaalala ko.. dun ko narealize na "oo nga pala, mahal nga pala dito sa pinas ang mga ganyang gadget at hindi basta afford ng kahit sino lang" :lol: haters gonna hate! :sweat:

Dun ngayon ako naka-attract ng mga gold digger na tsiks, isang girl na maganda sa team ko panay ang papansin sa kin at nanghiram pa ng pera sa kin at ilang ring cute na girls na taga ibang team tanong naman ng tanong kung pano makapunta ng SG. Kahit ibang TL nakikitanong na rin haha... :lol: man, ang colorful talaga ng industriyang to.
**** ****!
User avatar
DarkRushBeat
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 6260
Joined: Thu Nov 02, 2006 10:12 am
Location: The Twilight Zone

Speaking of, tama, marami din talaga gold diggers at estapador/estapadora sa BPO industry...
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....


Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building


Gameboy/Nintendo DS/PSP/Nintendo 3DS
FC: 1934-0903-9050
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Looking back, I really am trying hard to think of any relatively good thing to say about the BPO industry dito sa pinas pero talagang wala. Sure its fun pero only if you LEARN how to make it worthwhile pero anything remotely about the lifestyle, workload and even the people in the long run wala talaga ko maisip. Masasabi ko pantawid gutom lang talaga ang industriyang to, hindi sya long term career na tipong looking forward ka pasukan araw-araw. Eto yung klase ng LOB na you will literally have to drag your ass every single day just to show up pero tanungin mo bawat isang ahente o empleyado sa floor, im sure ibang sagot ang makukuha mo . And im saying this from my own experience and perspective dito lang sa mga BPO sa pinas - and it doesnt exactly need to apply to others.
**** ****!
User avatar
SirZap
Big Daddy
Posts: 4617
Joined: Mon Dec 01, 2003 5:34 pm
PSN ID: SirZapp

DarkRushBeat wrote:Numbers game nga, sabi...

A colleague once told me about a friend of his na sa call center din nagta trabaho..This guy apparently is somehow a loner, hindi sumasama sa mga team lunches, gimiks, etc...And siguro gusto rin makatulong sa magulang..I envy that guy...Sa 3-4 years nya sa call center industry, he was able to save up almost a million pesos & he gave those to his proud parents...

Sa industry din ito ako naka experience ng mag asawang SME & TL na kumuha ng car loan sa 1 prominent bank...Within a span of 1 & a half year, fully-paid na agad...
3-4 years para maka-1M. 3 years would require him to save 330k a year. 4 years 250k a year.

yun car naman, baka naman may ipon na yun ang ipinan-downpayment tulad ng sabi ni grayfox17. paano ka nga naman magiging TL or SME kung wala kang prior experience, dun palang pwede nang may ipon. or.... if talagang nag-avail sila ng 50k downpayment maaaring 30k monthly yung isa at 20k yung isa kumbaga todo tipid kasi 1.5 year is 18 months, multiply mo 50k sa 18 months is 900k tapos may 13th month pay at bonuses pa.

grayfox17 wrote:baka may prior nang ipon ang mga yan OR may mga sideline OR even nakahiram ng pera din pang down, mura na lang naman kasi ang pagkuha ng kotse ngayon, if you know how and where to look and who to ask, makaka diskwento ka ng malaki sa downpayment. Tsaka alam mo naman sa mga call center, madali din maglipana ang mga tsismis na ganyan at baka exaggerated na rin kaya madalas pinagmumulan ng insecurity at inggit ng iba. Nung sa last CC ko hindi ako masyado gumagasta, pamasahe, pangkain at yosi lang talaga ang pinupuntahan ng pera ko kasi hindi ako gala, di rin ako mahilig bumili ng gadgets kasi meron na ko ng mga yun at di din ako sumasabit sa mga team events pero I was able to save about 50K din sa 6months ko hehe... pinaka gastos ko na siguro yung pag taxi papasok ng work at madalas starbucks ng 2 weeks straight. Dun pa lang sa pagbili ko ng starbucks tinataasan na ko ng kilay ng mga kasama ko. :shock:
...
depende din. kahit sa pinanggalingan ko na I.T. firm ganyan din naman. In your case may business ang magulang mo kaya halos iyo lang pera kaya nakakaipon ka. pero kasi yung iba may umaasa sa kanila at yung iba. iba hindi naman galing middle class kaya ang impression nila sa lifestyle na ganun ay mataas na.
Image
Like · Comment · Share
You and 101 others like this.
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

its true na solo ko pera ko at may negosyo kami pero its almost always not the case. We're not a middle class family, actually kuripot kami so malabo kaming mapagkamalang mga burgis. Hindi kami showy at mas lalong hindi kami waldas. In short, frugal kami. I could go on and on about the details pero would you even believe me? My point here is that, just bec may narinig tayo na kakilala sa call center na naka achieve ng magarbong lifestyle OR nakabili ng kung ano-ano na lampas sa spending power ng ordinaryong empleyado eh does it mean dapat kagad silang paniwalaan? hindi rin di ba? simply bec hindi natin lubusang kilala ang mga yun. Mapapa-iling ka na nga lang kasi kita mo na may pinapalamon at may sinusustentuhan tapos biglang marinig-rinig mo na pinangangalandakan na may auto na? :shock:

What im trying to say here is that, maraming misconception sa industriya ng call center lalo na yung mamaliitin kasi kesyo tagasagot lang ng telepono or what. Panong hindi sila maiinggit at maiinis kasi ba naman wagas kung maka-inggles ng wala sa lugar, conyotic slang pa at pasosyal kung kumilos/pumorma so iisipin ng ibang tao ngayon lalo na nung mga hindi nakakaalam na "uy anlaki siguro ng sahod ng mga to sa call center kaya nakakabili ng mga ganyan, etc."

Mali na i-assume na just bec narinig nyong nagttrabaho sa call center si juan eh achievable na ang pagbili ng sasakyan o ng bahay sa sinasahod nila buwan buwan, regardless kung ano pa posisyon ang hawak. Sigurado meron nang ibang pera yan na nahiram pambili or baka naman yung auto mismo ang hiniram tapos pinalalabas na lang na "ah eto? nabili ko to." Alalahanin nyo, the bigger the pay, the bigger the tax deduction din so dun pa lang mapapaisip ka na sa lifestyle check ng mga nababalitaan nyong tao na yan. :sweat: Isa pa, alam nyo naman ang ibang mga pinoy, easy money easy go. Kahit na merong obligasyon, basta nakahawak ng malaking halaga tulad ng bonuses, uunahin pa rin ang mag waldas kesa magtabi.

Wag kayo magagalit, nagpapaliwanag lang ako ha? :bigmouth:
**** ****!
User avatar
SirZap
Big Daddy
Posts: 4617
Joined: Mon Dec 01, 2003 5:34 pm
PSN ID: SirZapp

^^ :lol: don't worry di ako galit. siguro dahil marami na akong napasukan, iba-iba talaga impression at pag-iisiip ng bawat grupo nakasalamuha ko. ang sa akin yung punto na yang mga nasa call center hindi naiiba sa ibang trabaho pagdating sa paghawak ng pera, impression sa ibang tao kung meron o wala, chismoso man o hindi, inggitero o sports lang, etc. mas napupuna lang sa call center kasi parang school pa rin yung mentality ng iba kasi nga ang dami bawat grupo. mas madali ang palitan ng communication at mas madami ang naabot, di tulad sa iba 5, 10, minsan 3 pa nga kasama na yung manager duon. informal pa ang mga peeps sa CC dahil dress down kadalasan at walang uniform.

siguro ang pinakamalaking factor sa tingin ko is karamihan ng CC agents ay extroverts. katangian talaga ng mga extroverts tumingin sa panlabas na anyo at maging concious sa porma. they need to express themselves kaya mahihirit kapag may nakitang kakaiba sa iyo. pala-barkada kaya kaladkarin sa gimik o outing. kaya in the end, like all extroverts, they will say want they want to say diretso sa iyo o hinde. ;)

about sa lifestyle, nasa tao yan. kahit yung walang work mas maporma kung minsan :lol: poporma't poporma kahit walang pera. kapag nagkapera punta agad starbucks, punta agad gimik, o kung anong hobby nila. lahat sila puro porma lang walang pera :lol: puro pa-kyut na sabi nung isang kapitbahay ko. the irony of it, sya nga itong puro porma walang pera. galit sa kapwa nya. sa kanya ko na-realize na ang mayabang galit sa kapwa mayabang, pataasan ng ihi kung baga. never syang naging CC agent. siguro nakapasok sya pero isang BPO pero bilang security guard. :lol:
Image
Like · Comment · Share
You and 101 others like this.
User avatar
DarkRushBeat
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 6260
Joined: Thu Nov 02, 2006 10:12 am
Location: The Twilight Zone

*Sign-in Bonus!

Minsan mag aapply agad sila kapag me nakitang ganyan at amount..My last BPO company enticed every applicant na meron 21k "sign-in" bonus...And hindi nila inexplain mabuti, you have to be on top of your "wave" sa stats in order to get the whole "sign-in" bonus...Kapag hinde, mga 10k lang makukuha...
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....


Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building


Gameboy/Nintendo DS/PSP/Nintendo 3DS
FC: 1934-0903-9050
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

tapos meron pa dyan yung mga lantarang ads na "earn up to___", etc tapos pagdating ng JO magulat gulat si aplikante basic lang pala bigay sa kanya and yung naka-ads na "earn up to___" eh you have to literally earn it pa kasi may selling :sweat: ... minsan napaisip ako kung maituturing pa bang false advertisement yun or what. :lol:. Isa pa naging practice sa industriya na to yung bubulagin ka sa pera, ewan ko sa ibang mga LOB pero sa mga kwento sa kin way back andyan yung offer syo is 15K basic pero kada buwan ang net mo lang pala is 10K at wala pa deductions yun. :shock:

Eto pa makulit, way back in 2005 when i started sa BPO, may mga ugong ugong na may ng mga accounts "daw" na sex lines dito mismo sa tin. Nung una hindi ako makapaniwala pero kahit mga TL ko noon swore that it was true. Napatunayan ko lang last 2014, i got in touch with an old female colleague tapos usap konti sa phone, napunta usapan sa trabaho at nasabi nya na ganun daw yung unang call center experience nya somewhere around ortigas - as in sex hotline at voice pa yun. Meron pa nga daw sila QA eh, di ako makapaniwala tapos sinampolan nya ako over the phone ng kanyang mga "spiels"... tyempong pareho na kami umiinom that time habang nag uusap kaya needless to say, she was very, very, convincing. :oops: :sweat: :lol: :twisted:

And the most famous urban legend of all... si "junjun." :lol: Halos lahat na lang yata ng center meron yan.
**** ****!
Post Reply