Usapang Call Center

Talk about things other than video games. What are your other hobbies? What's your favorite TV show? Are you into sports. Any recommended restaurants? Do you travel?
User avatar
xgh0st12x
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 2378
Joined: Wed Jan 16, 2008 5:49 pm
Location: Paranaque

Thu Jun 11, 2015 12:42 am

^
Curious... how long were you in the industry for and majority of it was spent in what role? (Agent, tl, om, etc?)
Image
PSN ID (PS4): Gh0st0fSparta12 XBL GT (XB1): xgh0st12x NNID (WiiU): xgh0st12x
Pamilya, trabaho, ehersisyo, home tyeter, bidjo geyms. Copy paste hanggang kamatayan.
Crazycajun
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 2410
Joined: Tue Jan 20, 2004 4:53 pm
PSN ID: crazy4cajun
Location: South of Somewhere

Thu Jun 11, 2015 5:01 am

Pero, hindi ba nagiging issue yan sa mga "normal" jobs? The only thing na nakikita ko na hindi applicable sa "normal" jobs ay yung job referrals and yung attrition rate. Parang lahat naman ata yan nae-experience ng mga normal nine-to-fivers.
PSN ID: crazy4cajun

"Bad things don't happen TO you. Bad things happen FOR you."
User avatar
DarkRushBeat
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 6213
Joined: Thu Nov 02, 2006 10:12 am
Location: The Twilight Zone

Thu Jun 11, 2015 6:54 am

grayfox17 wrote:Basta BPO expected na dyan yung magiging "slave" ka whether you choose to like it or not - but definitely, you will eventually hate it anyway. Standard way of life na sa pagiging yuppie ang mga metrics na kelangan i-maintain, queue na kelangang ubusin, unreasonable at pabago-bagong targets ng client, staggered breaks, mandatory OT's, practically a non-existent work-life balance, job referrals na pagkakaperahan lang, health compromises, payslip disputes, different faces almost every month due to attrition, abundance of incompetent people on higher positions, and last but not the least, you will still deal with customers... ang nag iisa lang na pinagkaiba ng non-voice eh hindi ka sabay na nagsasalita at nagpa-process ng request ni customer at the same time pero overall, ganun pa din ang mundong ginagalawan mo. Talo-talo na lang talaga sa sahod. :lol:

Kung mag browse ka nung mga job postings, makikita mo nagkalat ang mga magagara at catchy na ads ng mga call centers at nauuso na nga yang mga non-voice na yan pero kahit gaano pa ka-astig ang job title na nakikita mo, at the end of the day, once na pumasok ka sa kahit na anong call center, AGENT ka pa rin na maituturing lalo na pag pinili mo syempre yung mga representative na position (exluding syempre yung mga HR, accounting, recruitment, etc). Ako mismo hindi ko ikinakahiya na matagal akong naging agent kasi marangal nga naman na trabaho pa rin yan kung tutuusin tapos easy money pa pero for what its worth, I'm just so glad I've left that life behind. :|
You and me both....

When i relocated here in Southern Luzon, i started out again as an agent, despite my claims i won't work for another BPO anymore after i left a US Bank then situated in Makati..

Became an agent for a year, got promoted as a trainer, after a year promoted as a Systems Specialist (mala IT guy), then the last spot i was in was in the workforce management. After all those years pakiramdam ko pa rin slave ako...So thanks for 3 years in that company, and thanks to a total of 10 years in the industry.
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....


Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building


Gameboy/Nintendo DS/PSP/Nintendo 3DS
FC: 1934-0903-9050
User avatar
xgh0st12x
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 2378
Joined: Wed Jan 16, 2008 5:49 pm
Location: Paranaque

Thu Jun 11, 2015 8:34 am

this month marks my 11th year in the industry... only 6 months of which were spent as an agent since i chose and strove to be something else.

It really is not a perfect industry as far as a lot of factors are concerned. But i've learned and have been developed a lot as far as career, knowledge and skill sets are concerned. (I've also developed quite the tummy. hahaha!)

All in all, i feel that i still owe a lot to it. Roof over our heads, food on our table, an education for the 2 kids... occasional splurges for the family. (and a lot of toys for daddy. hahaha!)

Would i want to move to another industry? Why not? I'm very open to it as a matter of fact.
But if i do, i don't think ill burn any bridges nor regret anything about this industry.
Oh yeah... It's also where i met my beautiful wife of 9 years now. :p
Image
PSN ID (PS4): Gh0st0fSparta12 XBL GT (XB1): xgh0st12x NNID (WiiU): xgh0st12x
Pamilya, trabaho, ehersisyo, home tyeter, bidjo geyms. Copy paste hanggang kamatayan.
User avatar
kurtsky
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 1614
Joined: Sat Aug 12, 2006 4:18 am
PSN ID: kurtskyKG
Location: Metro Manila
Contact:

Thu Jun 11, 2015 1:29 pm

Kaya minsan napapagisip ko rin mag normal job dahil narin sa oras ng trabaho
Pero sayang din yung 15% na night diff.
User avatar
xgh0st12x
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 2378
Joined: Wed Jan 16, 2008 5:49 pm
Location: Paranaque

Thu Jun 11, 2015 6:16 pm

Bro believe me, if you can take a job with normal hours, DO IT!
Your body will thank you for it in the long run.
Image
PSN ID (PS4): Gh0st0fSparta12 XBL GT (XB1): xgh0st12x NNID (WiiU): xgh0st12x
Pamilya, trabaho, ehersisyo, home tyeter, bidjo geyms. Copy paste hanggang kamatayan.
User avatar
grayfox17
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Thu Jun 11, 2015 8:32 pm

xgh0st12x wrote:^
Curious... how long were you in the industry for and majority of it was spent in what role? (Agent, tl, om, etc?)
I've started late in the industry pero total would be 7+ years lang and most of which as an agent pero that is accumulation of both local and abroad. Yung posisyon ko dito sa pinas was for agent lang pero sa abroad no choice kasi foreigner ako at kelangan maging flexible - I became a rep/admin/IT/messenger/taga linis all rolled into one doon, di pa kasama dyan yung mga monthly deliverables na diretso sa director at client mo ire-report at madalas kelangan pa mag uwi ng trabaho. Pag may palpak na trabaho, hindi sa manager ang sisi kundi sa akin and thankfully it never happened naman. Pero ganun pa man, dun ako tumagal at dun ko na-enjoy mag work kasi bukod sa well-deserved compensation, kahit papano, maituturing pa rin na "normal" ang buhay ko. It is very tiring syempre pero the fact that I'm even getting more praises and commendation from my superiors there regardless of my efforts than I ever got than my companies here in pinas is a big motivator for me. Sadly, madami sa min had to leave kasi our project needs to wrap up na, hirap na rin makalipat kasi higpitan na rin sa foreigners kaya no choice but to go back here. Btw, hindi official BPO yung kumpanya ko sa abroad tulad ng mga BPO na nakasanayan natin dito sa pinas, IT company yun na meron lang dedicated team for reps.

Dito din kasi sa pinas atleast pag agent ka alalahanin mo lang metrics mo - as long as nahi-hit mo then everybody's happy. Dati I was being groomed as a trainor/coach pero right before formal induction ako na mismo umatras kasi despite na maganda nga yung offer sa kin that time saka naman dumating yung opportunity na makapag abroad ako. And naturally I picked it up.

Just like you I am not completely dissing the industry as a whole kasi this is where i started out. I am merely just giving a "heads-up" warning on what to expect. Thankful pa nga ako kasi it is practically the first industry that fed me so I also owe "some" of my acquired skills and experience sa BPO kasi nga nagamit ko din ang mga natutunan ko sa training kahit nung sa pag abroad ko pero yun nga lang not everything. Later in life mapapaisip ka din kasi, hindi lang naman skill sets ang labanan or kung gaano na katagal ang tenureship mo sa kasalukuyang kinalalagyan mo, magkakatalo pa rin talaga sa kung saan mapapanatag ng husto ang loob mo so dyan na rin papasok ang diskarte ng bawat indvidual. I've thought long and hard until I decided to just leave that life behind in exchange for doing what I really like... it was a big gamble kasi kung tutuusin mabigat bigat pa din ang ginagawa ko ngayon pero kalaunan narealize ko na it's been the best decision I've made after all simply bec I am happy where I'm at right now. :2thumbs:
Crazycajun wrote:Pero, hindi ba nagiging issue yan sa mga "normal" jobs? The only thing na nakikita ko na hindi applicable sa "normal" jobs ay yung job referrals and yung attrition rate. Parang lahat naman ata yan nae-experience ng mga normal nine-to-fivers.
Atleast sa normal jobs (as in non-BPO type of work environment with normal working hours), you still get to have a life talaga na hindi pangkaraniwan sa mga yuppies. Oo malaki nga kita sa call center pero iba pa rin yung nakaka-enjoy ka ng long weekend at holidays kasama pamilya mo at yung nakakapahinga ka ng maayos.

Sa una ok lang kasi sa isip isip mo "kakayanin ko yan" dahil um-oo ka sa interview sa mga conditions ng position na inaaplayan mo pero later on, no matter how hard you pretend that it is not happening, BPO environment will take its heavy toll on anyone faster than any other jobs out there, it will literally drive you nuts from the inside and out. Hanggang sa kalaunan mararamdaman mo na lang na nawawalan ka na lang ng gana sa ginagawa mo kaya anong ending? karamihan ng mga pumapasok sa call center eh nauuwi bilang mga "job hoppers," kasi ba naman ultimo pag banyo lang ng higit sa dalawang beses at work eh mamatain ka na agad ng manager mo, ma-late ka lang ng isang minuto from break kahit isang beses lang sa buong isang taon magkakaron ka agad ng mahiwagang memo kinabukasan, umabsent ka lang dala ng legal na pagkakaroon ng sakit eh pwede mo na ikatanggal agad (kahit may dala ka namang med cert) - now tell me, sa normal working hours na trabaho madalas ba mangyari yung mga ganun, hindi rin di ba?

At sa dulo ng bawat usapan, masasabi ko na lang na subjective pa rin to depende sa tao at sa situation na kinabibilangan nila - may mga iba kasi alam na nila na ganun ang kahahantungan nila at meron pang dala-dalang katangian na "never say die" pero ano nangyari, sa huli sila rin ang nga-nga.
kurtsky wrote:Kaya minsan napapagisip ko rin mag normal job dahil narin sa oras ng trabaho
Pero sayang din yung 15% na night diff.
Uunahan na kita brad, hindi ganun ka-worth it ang 15% night diff sa klase ng buhay na pagdadaanan mo sa BPO (assuming hindi ka pa nakapag BPO). Ok dagdag kita sya pero madalas kakainin lang yan ng tax mo, tapos kung gastador ka pa at hindi ka makaipon then wala din.

Kaya namin inuudyok na kumagat ka sa normal hours na trabaho is simply bec for the lifestyle, yung pagkakaroon ng normal na buhay eh hindi matatapatan ng malaking kita. Take it from someone who experienced the best of both worlds and decided to just drop it all off. Gawin mo na lang last option ang call center pag walang wala ka na talaga mapasukan. Besides, nagkalat naman ang mga call centers, madaling pumasok at magpalipat lipat kung tutuusin. :sweat: Having a healthy mind and body is much more priceless.

But then again, wag basta papabulag sa mga naka-advertise na malaking kita pag isipan mo muna ng husto at saka mo piliin kung saan sa tingin mo mas magiging masaya ka. :agree:
**** ****!
User avatar
kurtsky
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 1614
Joined: Sat Aug 12, 2006 4:18 am
PSN ID: kurtskyKG
Location: Metro Manila
Contact:

Fri Jun 12, 2015 1:59 pm

Naka ilang center ako for many years pero nandito pako. Lagi ako napapaisip bakit hindi nalang
ako mag apply as normal job. Kaso, hindi ata pwede sa normal job; job pag hindi 4 year course grad.
Ayun, pag apply eh BPO parin ang bagsak.

Promise ko na susunod kong trabaho eh normal job na. Mahirap din kasi maghabol ng metrics,
mahigpir na attendance sa mga bpo. Napansin ko kasi sa normal job hindi mahigpit, pag nagkasakit ka,
late ng 1 minute or metrics. Kasi kahit may HMO ka, iba parin yung normal na tulog.
User avatar
grayfox17
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Fri Jun 12, 2015 2:38 pm

kurtsky wrote:Naka ilang center ako for many years pero nandito pako. Lagi ako napapaisip bakit hindi nalang
ako mag apply as normal job. Kaso, hindi ata pwede sa normal job; job pag hindi 4 year course grad.
Ayun, pag apply eh BPO parin ang bagsak.

Promise ko na susunod kong trabaho eh normal job na. Mahirap din kasi maghabol ng metrics,
mahigpir na attendance sa mga bpo. Napansin ko kasi sa normal job hindi mahigpit, pag nagkasakit ka,
late ng 1 minute or metrics. Kasi kahit may HMO ka, iba parin yung normal na tulog.
Madami dyan pre hanap hanap ka lang. Kahit ako dati ganyan din. Laging failed attempts ako sa paglipat ng industry kasi nakasanayan ko na yung malaking kita. Biruin mo training pa lang sasahod ka na agad ng buo pero sa iba hindi, sinong aayaw sa ganun di ba? Buti pa nga dito sa pinas mas maraming choices na mapapasukan basta ba wag ka lang talagang choosy. Magiging mahirap yung transition from BPO to a normal job kasi hahanap hanapin mo pa rin yung nakagawian mo lalo na yung malaking kita lalo na kung meron kang sinusustentuhan pero try mo humanap ng normal work na aligned sa kung anong gusto mo talaga hindi yung sa kung anong kelangan mo - example, kung may talent ka sa acting mag artista ka, kung mahilig ka kumanta mag banda ka, etc. :sweat:

Uulitin ko, mahirap ang gagawin mo pero posible naman basta ang mahalaga alam mo talaga kung anong gusto mo gawin. :agree:
**** ****!
User avatar
SirZap
Big Daddy
Posts: 4625
Joined: Mon Dec 01, 2003 5:34 pm
PSN ID: SirZapp

Fri Jun 12, 2015 2:42 pm

naalala ko yang mga kwento sa mga call center agents. tatawag na hindi makapasok pero yun pala may birthday na pupunthan tapos sabay lumabas sa facebook yung pictures nung party. meron naman panay late, tapos ang lakas uminom at gumimik. di naman uma-absent, kaya lang dumatin na yung time na nakapag-hire at train na ng bago... ayun natanggal at panay utang sa mga kasama.

kaya lang siguro mas pronounced yung money problems sa Call centers siguro dahil nga sa pormahan at gimikan. wala kasing uniform kaya yung mentality na kailangan japorms ka mas lumalabas. karamihan kasi mga bata ang employees, unlike sa ibang industries na may matatanda at may "corporate" culture na kung anoman meron sila. at yang pugon na yan, daming smokers, nakadagdag stress yan. kala nila mas na-relax sila by smoking. ganun din sa inom. sabagay hindi lang sa BPO ang maraming ganyan. pero kasi mas tukso sa mga agents kasi karamihan nga bata.

about mahigpit ang attendance at punctuality sa BPO.... depende rin sa mga companies outside the industry. karamihan mahigpit rin.well siguro unlike sa ibang work pwede kang madalas mag-CR.
Image
Like · Comment · Share
You and 101 others like this.
User avatar
DarkRushBeat
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 6213
Joined: Thu Nov 02, 2006 10:12 am
Location: The Twilight Zone

Fri Jun 12, 2015 3:47 pm

Natutunan ko ang importance why there are limited CR breaks nung naging workforce analyst ako...Also, why it is important to allow agents to go on VTO/Early out...
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....


Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building


Gameboy/Nintendo DS/PSP/Nintendo 3DS
FC: 1934-0903-9050
User avatar
grayfox17
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Fri Jun 12, 2015 4:17 pm

SirZap wrote:naalala ko yang mga kwento sa mga call center agents. tatawag na hindi makapasok pero yun pala may birthday na pupunthan tapos sabay lumabas sa facebook yung pictures nung party. meron naman panay late, tapos ang lakas uminom at gumimik. di naman uma-absent, kaya lang dumatin na yung time na nakapag-hire at train na ng bago... ayun natanggal at panay utang sa mga kasama.

kaya lang siguro mas pronounced yung money problems sa Call centers siguro dahil nga sa pormahan at gimikan. wala kasing uniform kaya yung mentality na kailangan japorms ka mas lumalabas. karamihan kasi mga bata ang employees, unlike sa ibang industries na may matatanda at may "corporate" culture na kung anoman meron sila. at yang pugon na yan, daming smokers, nakadagdag stress yan. kala nila mas na-relax sila by smoking. ganun din sa inom. sabagay hindi lang sa BPO ang maraming ganyan. pero kasi mas tukso sa mga agents kasi karamihan nga bata.

about mahigpit ang attendance at punctuality sa BPO.... depende rin sa mga companies outside the industry. karamihan mahigpit rin.well siguro unlike sa ibang work pwede kang madalas mag-CR.
Kahit nung agent pa ko, nakakabadtrip din makita na nagkalat ang mga puting filter ng sigarilyo sa lansangan lalo na dun sa area ng ortigas ave sa gabi. Dati hindi naman ganun dun eh, sumobra lang talaga pagka burara ng mga alangyang agents kaya hindi nako nagulat nung dumalaw ako ulit dun after so many years na pinagbawal nang mag yosi dun sa mga dating smoking areas namin. The way I see it, wala naman masama sa pag relax by smoking and drinking after work as stress reliever, nakakapanibago lang kasi sa paningin ng mga hindi nagttrabaho sa call center na imbes na sa gabi ito ginagawa ng mga agents eh sa umaga madalas makitang nag iinom. :lol: IMHO though, inggit lang sila kasi yung mga normal working people sa umaga eh papasok pa lang pero yung mga agent naka-petiks at 7:00AM. :lol:
DarkRushBeat wrote:Natutunan ko ang importance why there are limited CR breaks nung naging workforce analyst ako...Also, why it is important to allow agents to go on VTO/Early out...
As I was. Understandable naman yun kasi It is something that can't be helped dahil ganun talaga sa BPO, binabayaran ka based on your adhered time logged in and working. Any discrepancies would reflect on the pay. Sinong kliyente ba naman yung matutuwa na babayaran ng buo yung ahente pero hindi pa sya nakaupo at nagttrabaho sa takdang oras na dapat syang magsimula. If the client's hotline opens at 7:00 AM ET sharp then expected ng customer may sasagot na dapat ng ganun oras pagtawag nila - any slight changes to the defaulted schedule can cost the entire center a lot. SLA kasi yan and more often than not, multa ang katapat agad nun, or worse, possible closure ng account itself.

I just can't believe may mga iba ang lakas ng loob mandaya ng time nila kahit alam nilang mabigat na sanctionable offense yun. Yung tipong male-late ang isang agent tapos magpapasuyo sa tropa na i-login sya in his behalf para "buo" pa rin ang makuha for the day. :shock: Can't say much about VTO though, never tried that myself kasi sayang ang kita eh. :sweat:
**** ****!
User avatar
altahi
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 9211
Joined: Tue Aug 15, 2006 7:14 pm
PSN ID: altahi
Location: House Hardy

Wed Jul 22, 2015 11:24 am

Hiring kami...
Image
Eat Sleep DELETE Repeat
User avatar
kurtsky
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 1614
Joined: Sat Aug 12, 2006 4:18 am
PSN ID: kurtskyKG
Location: Metro Manila
Contact:

Fri Jul 31, 2015 5:05 am

Meron din iba.
Online english tutor sa koreans Uso yun ngayo. Ok siy kung ok grammar mo
Yung isa, ang mga online gambling companies, nag apply dati kaso hindi pinalad. Pag bungad palang sa reception,
kitang kita mo na kasuotan ng mga babae, hindi tuloy ako naka concentrate sa exam. hehe!
User avatar
xgh0st12x
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 2378
Joined: Wed Jan 16, 2008 5:49 pm
Location: Paranaque

Fri Jul 31, 2015 10:29 am

I heard Amex (American Express) is pooling folks. They are located near St Luke's in BGC.
Any feedback?
Image
PSN ID (PS4): Gh0st0fSparta12 XBL GT (XB1): xgh0st12x NNID (WiiU): xgh0st12x
Pamilya, trabaho, ehersisyo, home tyeter, bidjo geyms. Copy paste hanggang kamatayan.
User avatar
grayfox17
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Fri Jul 31, 2015 9:31 pm

I wonder if those sex-line call centers are still around? i used to think urban legend yun but i remember chatting with an ex-colleague dati and she confirmed that she used to work in one of those accounts before... :sweat:
**** ****!
User avatar
SirZap
Big Daddy
Posts: 4625
Joined: Mon Dec 01, 2003 5:34 pm
PSN ID: SirZapp

Sat Aug 01, 2015 5:35 am

grayfox17 wrote:I wonder if those sex-line call centers are still around? i used to think urban legend yun but i remember chatting with an ex-colleague dati and she confirmed that she used to work in one of those accounts before... :sweat:
hindi ko na alam. pero kasi nga nakakarinig nga ako ng kwento na dapat may "landi" yung pakikipag-usap :lol:
Image
Like · Comment · Share
You and 101 others like this.
User avatar
altahi
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 9211
Joined: Tue Aug 15, 2006 7:14 pm
PSN ID: altahi
Location: House Hardy

Wed Oct 21, 2015 10:28 am

Urgent Hiring!

Our company is looking for the following:
17 Collectors (The Fort / Ortigas and Centris Site)

Send me your personal details via e-mail (pj.estandarte@gmail.com) or PM me the ff:
Full Name
Complete Address
Mobile / Landline Number
E-mail Address

Thank you!
Eat Sleep DELETE Repeat
User avatar
kurtsky
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 1614
Joined: Sat Aug 12, 2006 4:18 am
PSN ID: kurtskyKG
Location: Metro Manila
Contact:

Fri Oct 23, 2015 1:54 am

I think BBC has anice work atmosphere what do you think?
Problem is traffic sa McKinley unless GY kayo
User avatar
amPOGIko
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 1924
Joined: Tue Oct 21, 2003 5:42 am
PSN ID: jptirona

Sun Oct 25, 2015 2:49 pm

Anyone working for Uber?

Sent from my SM-N910C using Tapatalk
psn id ~ R1: jptirona R3: amPOGIko
[RP] Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa Batolpild
User avatar
kurtsky
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 1614
Joined: Sat Aug 12, 2006 4:18 am
PSN ID: kurtskyKG
Location: Metro Manila
Contact:

Mon Oct 26, 2015 2:15 am

Nagapply ako sa telus uber acct d pinalad sa interview
User avatar
Daniel
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 18140
Joined: Mon Jun 09, 2003 12:54 pm
PSN ID: Bobo-Bambano
Location: Monaco
Contact:

Sun Nov 01, 2015 12:11 am

local uber? o global?
Image
PSN ID: Bobo-Bambano (US), Hunghunk (Asian SG), imajackiechanfan (Asian HK)
User avatar
jsnepo
- Kick this player?
Posts: 6599
Joined: Sun Dec 05, 2004 1:38 am
PSN ID: jsnepo
Location: Marikina
Contact:

Tue Nov 03, 2015 4:42 pm

Hiring kami. 20K basic plus 1.7K allowance. Sa may Ortigas lang ito sa Rockwell Business Center (tabi ng Medical City). Sa umaga ang pasok, either 6AM o 7AM. Monday to Friday din. May calls siya pero hindi siya tulad ng ibang call center. Actually mas back office ito kaysa sa ibang back office. Sobrang flexible ng trabaho. Kung sobrang organized ka, madadalian ka sa trabaho dito.
<(  )>  You have earned a trophy.
_/   \_  PERFECT REVENGEANCE
Getting back without exposing intention.
User avatar
amPOGIko
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 1924
Joined: Tue Oct 21, 2003 5:42 am
PSN ID: jptirona

Tue Nov 03, 2015 6:02 pm

Daniel wrote:local uber? o global?
Global. Yung uber mismo, hindi third party company

Sent from my SM-N910C using Tapatalk
psn id ~ R1: jptirona R3: amPOGIko
[RP] Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa Batolpild
User avatar
RAYANT8
Hardcore Gamer
Posts: 7036
Joined: Sat Nov 08, 2003 3:00 pm
PSN ID: xxRAYANT8xx
Location: Quezon City

Sun Nov 08, 2015 3:56 pm

jsnepo wrote:Hiring kami. 20K basic plus 1.7K allowance. Sa may Ortigas lang ito sa Rockwell Business Center (tabi ng Medical City). Sa umaga ang pasok, either 6AM o 7AM. Monday to Friday din. May calls siya pero hindi siya tulad ng ibang call center. Actually mas back office ito kaysa sa ibang back office. Sobrang flexible ng trabaho. Kung sobrang organized ka, madadalian ka sa trabaho dito.
parang SE ba diyan pafs? dami na uma-alis sa SE eh hehe
Post Reply