deathzero23 wrote:Baka mukhang ayaw ni Digong na nahahawakan ang leeg nya ng Amerika...
Sabi ng erpats ko, "basta anti-US ka, di ka makakatagal sa pwesto"
Tanong ko kung bakit? Sabi nya..
"Si Erap, anti-US base di ba? Ayan napatalsik sa pwesto"
"Si GMA, kaya naka-tagal ng 9 years good pet sa US yun"
"Si Macoy alaga ng US yan. Nilaglag lang siya nung marami na kumampi kay Cory"
I just said, baka conspiracy theory lang nya yun. And he replied,
"Haven't you notice na mahilig manghimasok sa isyu ng may isyu ang US? Lalo na kung saan may interes sila."
"May running joke na imahe ng America ang mga Cowboys ng Old West. Mahilig makigulo"
Erap - Asian Financial crisis nun kaya bumagsak sobra ang value ng PhP nung panahon niya. Nag declare din siya ng all out war sa MILF.
Imo kaya na impeach si Erap dahil bumaba sobra ang buying power ng mga filipino, may nakikita kang mga patay na civilian at sundalo "lagi" sa news dahil sa all out war niya, pang bobomba ng mga desperadong milf sa pampublikong lugar nung panahon na yun tapos sasamahan pa ng Jueteng scandal, midnight cabinet niya etc.
GMA - Hindi ko masasabing "good us pet" siya. Panahon niya nangyari yung 1 sided deal na JMSU at pinaka maraming bilateral agreement w/ China. iirc time din niya nag bigay ng malaking loan ang China para sa sa infrastracture development ng Pinas. Tapos siyempre meron pa siyang NBN ZtE at sinomach deal. Kung sinabi mo sana na Napupunta na sa sphere of influence ng China ang Pinas kaya marami ang impeachment movement nung time niya baka marami pang maniwala.
Hindi lang US ang mahilig mang himasok. Basta capable ang bansa paniguradong pinupush nila ang interes nila. Russia - Eastern Europe, China - East/SEA Asia and Africa.
Baka si Digong alaga ng China(lol conspiracy din). Mula sa no concession stance ng admin ngayon sa spratlys biglang gusto niya i soften yung stance natin. Tapos ok lang din sa kanya i cut yung ties natin sa US dahil na criticize yung rape joke niya. Isa sa pinaka malaking trade partner and aide donor natin tapos military backing pa. Sino kaya mag ffill in ng role na yun.
Hindi ko kailangan mag bigay ng evidence kasi "conspiracy"